Advertisers
INIIMBESTIGAHAN ngayon ang apat na pulis sa umano’y sangkot sa P15 million Philippine National Police (PNP) recruitment scam sa La Castellana, Negros Occidental.
Ayon kay Bacolod City Police Director, Colonel Noel Aliño, sinibak at isinuko na ng mga pulis ang kanilang service firearms habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso.
Bukod sa kanila, idinawit din sa kaso ang isang non-uniformed personnel (NUP).
Noong nakaraang buwan, nagreklamo ang nasa 45 residente sa La Castellana Municipal Police Station (MPS) sa Negros Occidental nang “mabudol” ng malaking halaga ng pera ang kanilang mga kaanak sa pangakong makakapasok sa PNP ang mga ito.
Ayon sa mga complainant, inalok sila ng P247,000 bilang “package deal” ng mga pulis para maging miyembro ng PNP ang kanilang mga kaanak.
Sa pagtaya, aabot sa P15 milyon ang naibulsa ng mga suspek.