Advertisers
ARESTADO ang tatlo katao kabilang ang dalawang babae nang makuhanan ng iligal na droga na itinago sa suso at ari sa buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay. Sangandaan, Quezon City nitong Lunes.
Sa ulat ni Lt. Colonel Morgan B. Aguilar, hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, kinilala ang mga dinakip na sina Precilla Estabillo alias Mokong, 28, ng Brgy. Sangadaan; Crystal Joseph alias Tala, 24, ng Brgy. Botocan, QC; at Joselito Torno alias Joey, 42, ng Caloocan City.
Ayon kay Cpl. Erwin Estrera Cordero, imbestigador, nadakip ang mga suspek sa Brgy. Sangandaan 11:30 ng gabi ng Lunes sa buy bust operation.
Sa ulat, habang kinakapkapan ni PSSg. Melody Fatima Cabanilla si Esabillo ay nakuha ang ilang droga sa loob ng kanyang bra.
Kaugnay nito, sa gitna ng isinasagawang police operation, dumating sina Joseph at Torno sa lugar na hinihinalang parukyano ni Estabillo.
Nakuha naman ni Cabanilla sa maselang bahagi ng katawan ni Crystal ang iligal na droga. (Boy Celario)