Advertisers

Advertisers

KITA SA SHABU SA SUBIC GAMIT SA BSK ELECTION!

0 10

Advertisers

PATI halalang pambarangay at sangguniang kabataan ay pinopondohan narin ng sindikato sa droga na nag-o-operate sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito ang nabunyag nang ilang kandidato sa barangay at SK ang nagmamaktol ngayon dahil wala pa ang hinihintay nilang ayuda para ipangtustos sa kampanya sa October 30, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)

Nabatid na maraming barangay officials ang naiinip sa mga ipinangakong pondo sa kanila ng ilang local officials.



Umugong ang balita na kaya delayed ang inaantay nilang pondo dahil nasamsam ang P3.6 billion (530 kilos) na shabu sa Mexico, Pampanga.

Kung nai-distribute ito ng maayos, ayon sa ilang barangay officials, sana ay mala-piyesta na ang tema ng kanilang kampanya.

Kung matatandaan, lumabas sa ulat na may pulitikong kasama sa narcolist ng dating Pangulo Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpupuslit ng P3.6 billion shabu.

Ang naturang politiko ay minsan nang nag-lie low noong nakalipas na administration, ngunit bumalik ito sa pagpapalusot ng illegal na droga bago matapos ang termino ni Duterte.

Sinasabing ito ang nasa likod ngayon sa paglabas ng P3.6 billion na nasabat ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at SBMA management.



Nasabat ito sa pamamagitan ng ‘controlled delivery’, na kaduda-duda namang wala kahit isang naaresto ang mga awtoridad.

Marami ang naniniwala na ang pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot ay matagal nang nangyayari sa SBMA.

Katunayan, Hulyo 2016 ay isang foreign vessel ang nasakote ng PNP. Mismong ang PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa ang nakahuli sa naturang barko na naglalayag sa coastline ng Subic, Zambales. At napatunayan na sa nasabing barko ginagawa ang shabu. Apat na Chinese nationals mula Hong Kong ang naaresto noon.