Advertisers
DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-amang Chinese nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million sa buy bust operation sa Malolos City, Bulacan.
Kinilala ang mag-ama na sina Anthony Chua y Dy, at anak na si Jay Vie Cai y Bellen, 34 anyos, ng 3229 Pleasant Village, San Pablo, Malolos City.
Sa report, isinagawa ang buy bust operation ng mga elemento ng PDEA Region Office 3 sa Pleasant Village.
Nasamsam sa mga suspek ang isang planstic bag ng shabu na may timbang na 500 grams na nagkakahalaga ng P 3.4 million. (Mark Obleada)