Advertisers
NATAGPUANG parehong bangkay ang magkaibigan na naiulat na nawawala sa Digos City.
Kinilala ang mga biktima na sina Michael Crisologo Tenazes, Jr. at Redford Uy, kapwa taga-Digos City.
Ang Digos City ay kabisera ng Davao del Sur.
Ang dalawa ay unang iniulat ng mga kamag-anak na nawawala nitong Lunes.
Ayon kay Colonel. Roel Rullan Sermese, director ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, may paniwala ang mga imbestigador ng Datu Anggal Municipal Police Station na posibleng itinapon lang ang kanilang mga bangkay kungsaan unang natagpuan ng mga residente sa isang barangay sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.
May impormasyon na kumakalat na sangkot ang dalawa sa mga iligal na gawain, ngunit agad naman itong pinabulaanan ng mga kamag-anak at wala pang kumpirmasyon ang mga opisyal ng mga provincial police office ng Maguindanao del Sur at Davao del Sur Davao del Sur hinggil dito.