Advertisers

Advertisers

ARCILLA, FABELLA, ANDRES NG NBL PH AT BUKIDNON

0 2

Advertisers

TUNAY na nasa mabuting kamay at kumpas nina Atty.Carmelo Arcilla, Atty. Joanne Marie C. Fabella at Leonardo ‘Ding Andres ang tagumpay ng mga scholastic ,regional at community- based grassroot basketball program sa bansa.

Ang triumvirate nina Arcilla( Civil Aeronautic Board top brass),Fabella( lawyer mula Sta Rosa ,Laguna at Andres ( event organizer par excellence) ang malaking dahilan kung bakit nanatiling nagliliyab ang mga pangarap ng mga potensiyal na kabataan upang madiskubre sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pa-torneo sa countryside na nagsisilbing mina ng mga talento patungong elite bilang kinatawan ng bansa o pagiging propesyunal na manlalaro sa hinaharap.

Si Arcilla na isa sa mga haligi ng amateur league sa lalawigan ng Rizal ang siyang nagsikap maisakatuparan ang tagumpay ng National Universities and Colleges Athletic Association( NUCAA) na nasa ikalawang sesson na katuwang sina Fabella at Andres.



Ngayon ay naghahanda na naman ang ‘big three’ sa mas malaking kaganapang pagtutunggalian ng mga cream of the crop sa amateur basketball na National Basketball League ( NBL) Philippines Kabataan Season 2 National Finals na pagtutunggalian ng mga best of the best na namayagpag sa kanilang balwarteng rehiyon at lalawigan.

“Sa tulong ng LGU ng bayan ng Manolo Fortich sa pamumuno ni Mayor Rogelio Quiño katuwang si vice mayor Reynaldo Bagayas,Jr. at Konseho at lalawigan ng Bukidnon sa liderato ni Gov.Rogelio Oniel Roque kaagapay si vice Gov. Clive Quiño bilang host ng prestihiyosong national finals ng U-21 at U-17, nakikinita na ang tagumpay ng natatanging basketball grassroot development sa bansa, tiyak na natin ang tagumpay sa ating basketbalk championship for a cause “wika ni NBL Philippines,Inc. Execitive Director Andres.

Ngayon pa lang ay hatsoff na ang korner na kina NBL Ph,Inc.Chairman Arcilla,President Fabella,E.D. Andres, saludo naman 7ina Mayor Quiño at Gov.Roque.

Ang national finals na lalarga sa Oktubre 17- 21 ay lalahukan ng Bulacan, Laguna, Batangas, Zamboanga, Misamiz Oriental, Lanao del Sur, Pagadian City, Tagum City, Roxas City at host Bukidnon. Sino ang magkakampeon? ABANGAN!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">