Advertisers

Advertisers

Asian Games: REBANSE!… Pilipinas vs Jordan sa gold medal match

0 574

Advertisers

NATULALA sa tuwa si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa 77-76 hairline victory laban sa China sa semifinals ng Asian Games. Pero kaagad din siyang nakapag-isip na kailangan makapagpukos ang koponan sa finals laban sa Jordan ngayong Biyernes ng gabi.

Talagang napakahirap kumalma pagkatapos ng napakasarap na panalo. Ito ang unang pangyayari na ang Pilipinas ay nakapasok sa gold medal match pagkaraan ng 33 taon. Sa laro noong 1990, nanalo ang China laban sa Pilipinas sa Beijing, 90-76.

Ito rin ang unang pagkakataon simula 1998 na ang mga Filipinong basketbolista ay nakasiguro ng Asian Games medal. Si Cone ay tactician noon ng Centennial Team.



Ngayon, nagkaroon sila ng isang araw para magpukos sa rematch laban sa Jordan para sa gold medal ngayong Biyernes.

“I’m really good moving forward. But getting the team to move forward and focus is difficult,” pag-amin ng Cone sa One Sports.

“We’re gonna be hot. We just gotta make sure we’re not too hot,” dagdag niya. “Use the high we got and move forward with it.”

Ipinaliwanag niya kung gaano kalikado ang lumaban na baon ang pagkasabik.

“If we go out and play on a great high, it doesn’t work for us right away. We’ll deflate really hard,” sabi ni Cone. “We gotta come out on an even keel. But we should have confidence.”



Ang Falcons ay nanaig sa Gilas Pilipinas, 87-62, matapos pamunuan ni Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 24 puntos. si Justin Brownlee ay nagpasok din ng 24 baskets pero ang Jordan ang nagtrabaho ng husto na nakagawa ng 21 assists kumpara sa 9 ng Gilas’.

Pero pakiramdam ngayon ni Cone ay makagagawa sila ng higit kesa unang laban nila sa Jordan.

“The problem we had last time was just match-ups,” sabi niya. “We gotta figure out a better way to match up to them defensively so we can use our offense better.”

“But we’ve grown from that game. Guys are getting a feel for what they’re doing. We’re elevating our game.”

Nang nagharap sina Brownlee at Jefferson sa finals ng PBA Governors’ Cup noong Abril. Tinalo ni Jefferson si Brownlee sa Best Import award at sa championship.Ngayon, part 2 sa China.

Ang gold medal game ay mapapanopd ng live 8:00 ng gabi sa One Sports at Pilipinas Live.