Advertisers

Advertisers

Eroplano ng PAF tumirik sa runway

0 6

Advertisers

ISANG Philippine Air Force Cessna 208 Caravan ang tumirik sa Mactan-Cebu International (MCIA) runway nang mag-touch down itong Miyerkoles ng umaga.



Ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isinara ang runway ng MCIA ng 2:15 ng madaling-araw dahil sa nasirang eroplano at bumalik ito sa normal ganap 5:10 ng madalin-araw nang matanggal sa lugar ang nasirang eroplano.

Isa itong military aircraft kaya hindi nagbigay ng impormasyon ang CAAP tungkol sa mga pasahero nito.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, maaaring gamitin ang runway 22 sa aircraft takeoff gamit ang taxiway delta intersection at taxiway golf interception simula ng 4:00 ng madaling-araw.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, nakaranas na ang makina ng sasakyang panghimpapawid ng mga problema at sunog sa makina pagkatapos nitong magtake-off kaya kinailangang magsagawa ng emergency landing.

Nasa mabuting kalagayan ang limang sakay ng Philippine Air Force (PAF) Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft.

Ipinadala ang naturang Cessna aircraft sa PAF noong 2017.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang naging sanhi o pinagmulan ng problema sa makina.