Advertisers

Advertisers

Kandidatong kagawad huli baril

0 4

Advertisers

Huli ang isang kandidato na tumatakbong Barangay Kagawad para sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 nang mahuling may dalang baril sa bayan ng Baggao, Cagayan, kahapon, Oktubre 04, 2023.

Sa nakuhang impormasyon sa Police Regional Office no. 2 (PRO-02), isang concerned citizen umano ang nagpaabot sa PNP Baggao kaugnay sa isang lalaking may dalang baril.

Agad tinungo ng kapulisan ang lugar at kanilang nadatnan ang suspek na kinilalang si alyas “Randy” na natutulog sa harap ng tindahan sa San Isidro, Baggao bitbit ang baril na walang kaukulang dokumento na sanhi ng kanyang pagkahuli.



Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comelec Resolution No. 10918 (Comelec Gun Ban) na kasalukuyang ipinatutupad bilang paghahanda sa paparating na BSKE 2023.

Samantala, hinikayat ni PBGEN Christopher Birung, Regional Director ng Police Regional Office 2 ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga awtoridad kung may makita na lumalabag sa election gun ban o anumang uri ng kriminalidad sa kanilang lugar.