Advertisers

Advertisers

Alden may hugot sa mga abusadong tao

0 16

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

SA isang panayam kay Alden Richards, nasabi niya na, “everything has limits, hindi pwedeng mabait ka lang palagi. Kasi pag mabait kalang palagi, lagi kang inaabuso. You know, pag may kailangan lang sila, saka ka lang nila maaalala.”
Isang hugot na mula sa Kapuso actor. Oo, likas na mabait si Alden, nang siya ay umasenso sa pag-aartista, inuna niya na mabigyan ng kasiyahan ang kanyang ama, mga kapatid at lola.
Maging sa syobis ay likas ang kanyang pagiging matulungin as in mapagbigay. E, teka sino kaya ang umabuso sa kanya at may sundot pa siya na naaalala lang siya kapag may kailangan?
Naku, sana pinasa-Diyos na lang niya at sa magandang karera sa syobis ay siguradong di naman kalabisan ang kanyang naitulong. Ika nga nila, mas pagpapalain ka ni Lord God kapag tumutulong na walang inaasahang kapalit.
Oppss, ilang araw na lang bago mag-Pasko, iisa lang ang hangad ng mga taong nagmamahal sa aktor, na matagpuan na niya ang tunay na babaing mamahalin at sana ay kanyang pakakasalan.
***
JANAH ZAPLAN SINGING PILOT CUM FASHIONISTA
HINDI nagpakabog si Janah Zaplan sa kanyang pagsali sa matagumpay na ABS-CBN Ball. Pinaghandaan talaga niya, todo suporta si daddy bodyguard Boyet at mom Dencie. Huwag isnabin, may Glam Team din si Janah. Her nice gown, from @house of mendez, hairstyling @macastillo88 of #Signatureby Guilano, photograph and make-up Guilano Valenzuela and assisted by Alexis Mariano Pagsuyuin.
Opps, pinaganda muna siya ng Max Beau (na may puwesto sa BF Homes at Mandaluyong), true Janah’s beauty was redifined and empowered.
Bilang singer, Pop Star Music recording artist, her song “E, Ano Ngayon,” was nominated at 36th Awit Awards as best dance electronic recording. Maging ang “Sana Lagi ay Pasko” ay maririnig sa AM at FM station. Pwede rin ninyo mapakinggan ito sa Youtube at i-follow sa kanyang tiktok janah.zaplan.
Of course, Janah’s parents will be completely happy if she finishes her aeronautical studies. Nandyan naman ang syobis, pwedeng balikan.