Advertisers

Advertisers

BI, bibili ng body cams para sa secondary inspectors

0 14

Advertisers

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na bibili ang ahensya ng body cameras para sa secondary inspectors.

Ang mga camera na na bibilhin ay may kakayahan na mag-livestreaming para ma-monitor ng kanyang tanggapan ang mga ginagawa ng airport personnel.

“We have already initiated the procurement process, and expect that by the end of the year we can start the deployment of the cameras,” sabi Tansingco.



Ganito rin ang ginawa ng Amerika, nang inutos ni President Joe Biden ang paglalagay ng body cameras sa mga law enforcement agencies noong isang taon, na agad namang sinunod ng Department of Homeland Security sa pamamagitan ng department-wide policy sa body-worn cameras nitong unang bahagi ng taon.

“Body cameras will ensure that our immigration officers are effective and remain accountable for their actions as law enforcers,” sabi Tansingco.

“It would be easier for us to investigate complaints of misconduct with the use of body cams. It would also remind our officers to always be professional in the conduct of their duties,” dagdag pa nito.

Ang BI ay naglaan na ng P16M budget para sa pagbili ng body cameras.

Maliban pa sa body cameras, ibinahagi rin ng BI na bibili kukuha rin sila ng karagdagang electronic gates upang mapalitan ang 50% ng kanilang manual operations sa taong 2026.



Noong isang buwan, ibinahagi ng BI na pinag-aaralan nila ang pagkuha ng AI technologies bilang karagdagang seguridad sa international ports of entry and exit.

Ang technological upgrades, ayon kay Tansingco, ay bahagi ng kampanya ng BI na gawing moderno ang kanilang operasyon na katulad din ng kanilang foreign counterparts. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)