Advertisers
MAPAPAILING at makakapag-isip ka ng masama laban sa mga awtoridad na nakasamsam ng bilyon bilyong hakaga ng shabu nitong mga nagdaang araw.
Oo! Mantakin n’yo mga pare’t mare, sa nakalipas na tatlong linggo ay halos P6 billion halaga ng “bato” ang nasamsam ng mga awtoridad partikular Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Drugs Group (PNP-DEG) pero wala manlang kahit isang individual na nasa likod ng nagparating o ng pinadadalhan ng iligal na droga na galing sa ibang bansa. Anyare?
Napapaisip tuloy ako ng masama. Na mayroong kontak ang sindikato ng droga sa intelligence ng mga ahensiyang nabanggit. Say n’yo mga pare’t mare?
Few weeks ago, nasamsam ng PDEA, Bureau of Customs at National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa P3.6 billion halaga ng shabu sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga, na pinalusot mula sa Subic Port.
Sinasabing nasunog ang naturang operasyon kaya walang nahuli sa grupong tatanggap nito. Usap-usapan na isang politiko na kasama noon sa drug-list ni ex-President Rody Duterte ang nagparating nito. Hmmm…
At nang sumunod na linggo, nasabat naman ng PDEA at PNP-DEG ang nasa P2.1 billion halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.
Ang pakete ng mga nasamsam na shabu sa Pampanga at sa Maynila ay pare-pareho. Ibig sabihin ay parehong tao o grupo ng sindikato ang nagpasok nito sa Pilipinas. Pinaghiwalay lang ng dinaanang port para lituhin ang mga awtoridad. Kaso nasabat parin ng ating mga tiktik. Yun nga lang walang nahuli, kasi siguro ay may tiktik din sa loob ng intel ang sindikato. Mismo!
Gayunpaman, binabati natin ang PDEA, NBI, PNP-PDEG, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pagkakasabat sa naturang mga “basura” na kung hindi ito nasamsam ay siguradong marami na namang mabubuang at ngingiwi ang mukha na mga adik nating kababayan.
Mabuhay kayo, mga Sir! Sana sa sunod ay may mahuli na kayong miyembro ng sindikato!!!
***
Lalong uminit ang word war sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Senador Risa Hontiveros sa isyu ng confidential funds.
Sinabi kasi ni VP Sara sa isang okasyon na ang confidential funds ay gamit para sa kapayapaan, at ang kontra sa confidential funds ay kaaway ng bayan.
Sabi naman ni Sen. Risa: Nagtatanong lang kung saan ginamit ang confidential funds, dahil taxpayers money ito, kaaway agad ng bayan?
Sa reaksyon ng netizens, talong talo si Sara at kampi lahat kay Risa.
Kaya malamang sa sunod na survey para sa trust at approval ratings nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara, lagapak na naman ang mga ito. Peks man! Subaybayan!