Advertisers

Advertisers

Binatilyo, binaunan ng bala sa ulo

0 4

Advertisers

Hinihinalang nakipagbarilan pa sa hindi pa kilalang salarin ang 18-anyos na teenager nang matagpuang walang buhay sa Navotas City, nitong Sabado ng madaling araw.

May tama ng bala sa ulo na tumagos sa baba ang biktimang si John Rey Basie, alyas “Rey-Rey”, ng Blk, 47, Lot 36, Phase 1C Brgy. NBBS nang matagpuan ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4, alas-4:45 ng madaling araw sa Pama Sawata Bridge, C-3 Road, Brgy. NBBS-Dagat-Dagatan.

Sa ulat na isinumite ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Rizalito Gapas, itinawag sa pulisya ng babaeng kaanak ng biktima ang pagkakadiskubre niya sa bangkay ng pinsan habang tumatawid siya sa lansangan patungo sa tulay ng Pama Sawata.



Hinala ng pulisya na posibleng nakipagpalitan pa ng putok ang biktima sa salarin dahil may nakuhang kalibre .38 revolver na wala ng bala sa chamber sa kanyang tabi habang isang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang nakuha rin ng mga tauhan ng NPD-Forensic Unit sa lugar.

Inaalam na rin ng pulisya kung may kinasangkutang krimen ang biktima nang umugong ang usap-usapan sa naturang lugar na sangkot ito sa ilang serye ng pangho-holdap na nagaganap sa Brgy. NBBS at karatig na mga barangay.

Kabilang din sa aalamin ng pulisya kung ano ang kaugnayan ng biktima kay Reynaldo Bolivar alyas “Rey-Rey” na tinutugis ng pulisya nang ituro bilang pangunahing salarin sa pagpatay sa 20-anyos na si Daniel Gaudia Soria noong Setyembre 2, 2023.

Si Bolivar ang tinutugis noon ng pulisya na salarin sa pamamaslang nang mapatay ng mga pulis si Jemboy Baltazar noong Agosto 2, nang mapagkalaman na siya ang salarin na kanilang hinahanap.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">