Advertisers

Advertisers

MANGINGISDA ‘DI PINAGBABAWALAN NG CHINA SA SCARBOROUGH SHOAL!

0 3,262

Advertisers

Ito ang naging paglilinaw ni ASIAN CENTURY PHILIPPINES STRATEGIC STUDIED INSTITUTE PRESIDENT HERMAN TIU LAUREL sa isinagawang MEDIA FORUM patungkol sa sitwasyon sa SCARBOROUGH SHOAL.

Aniya, sa SCARBOROUGH SHOAL ay may LAGOON AREA na siyang pinaglulugaran ng mga isdang magsisipangitlugan dahil sagana sa coral reef ang lugar na pinangangalagaan lamang ng CHINESE MILITARY para sa pagpaparami ng mga isda.

Wala umanong katotohanan sa mga ipinakakalat na balitang pinagbabawalan o hinaharang ang mga mangingisda at sa halip ay ang paglalayag ng mga construction material para sa pagsasakatuparan sa plano ng America na magtayo ng MILITARY BASE sa BRP SIERRA MADRE



“The BRP Sierra Madre serves as a military outpost of the Armed Forces of the Philippines in the Scarborough Shoal or Ayungin Shoal which is within the 200-mile exclusive economic zone of the Philippines,” pahayag ni LAUREL..

Sa panayam pa ng mga mamamahayag kay LAUREL ay nilinaw nito na.., “China does not prevent the passage of any civilian sea vessel that transports food, medical and other basic supplies to the BRP Sierra Madre for the consumption of members of the Philippine Marines who are detailed there. ., however, the transport of construction materials to BRP Sierra Madre is what China does not approve of.”

Sa loob ng 24-taon ay wala umanong naganap na major incident sa SCARBOROUGH SHOAL na makaaapekto sa FRIENDLY RELATIONS ng CHINA at PHILIPPINES!

— 000 —

BAKUNA MAHALAGA SA SENIOR CITIZENS — RAISE COALITION



Walang garantiya na ang nagpabakuna ay hindi na magkakasakit ayon sa pahayag ni DR. LULU BRAVO sa naging pagdiriwang ng ELDERLY FILIPINO WEEK sa QUEZON CITY nitong Sabado.., gayunman ay hinihikayat pa rin ang mga senior citizen na magpabakuna laban sa flu.

Si DR. BRAVO na siyang EXECUTIVE DIRECTOR ng PHILIPPINE FOUNDATION FOR VACCINATION (PFV) at CO-CONVENOR ng RAISING AWARENESS ON INFLUENZA TO SUPPORT ELDERLIES (RAISE) COALITION ay nilinaw pa rin nito na mas mahalaga pa rin aniya ang bakuna lalo na sa mga SENIOR CITIZEN upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at umabot pa sa mahigit isandaang taon ang kanilang buhay.

Sa naging pagdiriwang ng ELDERLY FILIPINO WEEK ay libre ang naging pagpapabakuna ng mga matatanda na ito ay dinaluhan nina DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) USEC. ERIC TAYAG, ; DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ASSISTANT SECRETARY MS. ELIZABETH LOPEZ DE LEON;; NATIONAL INSTITUTE OF AGING DIRECTOR DR. SHELLEY ANN DELA VEGA; PFV PRESIDENT DR. MARIA ROSARIO CAPEDING; at siyempre ay naroon si QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE.

Inihayag ni MAYOR BELMONTE na ang mga SENIOR CITIZEN ay maaaring magsipunta sa mga HEALTH CENTER para makatanggap ng libreng pagpapabakuna

“Lahat ng ahensya, DOH at lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat para protektahan ang ating mga senior citizen at hindi lamang natatapos sa bakuna ang mga programa.., marami pa kaming programa na handog para sa aming mga senior citizen,” pahayag ni MAYOR BELMONTE.

“Mahalaga na taun-taon tayong magkaroon ng bakuna upang maiwasan ang komplikasyon mula sa trangkaso. Hindi ito dapat balewalain dahil ito’y isang simpleng trangkaso lamang.., pero para sa mga senior citizen, mas mapanganib ito kung sakaling sila’y maapektuhan,” saad naman ni USEC DR. TAYAG.

“Sa National Institute of Aging, kami ay gumagawa ng mga pananaliksik upang magkaroon ng mga patakaran at programa na gabay ng ebidensya.., nais namin na higit sa 80 porsyento ng mga senior citizen ay mabakunahan laban sa trangkaso dahil ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon,” pagpupunto naman ni DR. SHELLEY ANN DELA VEGA.

Nilinaw naman ni PFV PRESIDENT DR. CAPEDING na ang layunin ng kanilang grupo ay ipabatid sa sambayanan ang kahalagahan ng pagpapabakuna upang maprotektahan ang bawat miyembro ng pamilya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.