Advertisers

Advertisers

Manila Clock Tower Museum, grand winner sa MGM 2023 AVP Competition

0 18

Advertisers

TINANGHAL bilang grand winner sa MGM 2023 AVP Museum Comepetition ang Manila Clock Tower Museum ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) nitong Biyernes, October 6.

Tinalo ng kauna-unahang clock tower museum sa Pilipinas ang marami pang local government museums sa bansa.

Ang Manila Clock Tower Museum ay ginawa at natapos noong 1930. Ito ay dinisenyo ng isang a Filipino Neoclassical artist at architect na si Antonio Toledo.



Dahil sa pandemya ay naantala ang pormal na pagbubukas nito sa publiko pero noong October 2022, ang Clock Tower Museum ito ay pormal na inilunsad ni Manila Mayor Honey Lacuna bilang major tourist attraction at historic landmark at binuksan sa publiko.

Ang kakaibang museo na ito ay muling ginamit ang istruktura ng clock tower. Mayroon ito limang levels na nagtatampok ng kasaysayan ng Maynila at modern art galleries na may changing art exhibits

Ang arkitektura ay nakatayo sa taas na halos 100 feet, dahil dito, ito ang largest clock tower sa bansa.

Ang iba pang nagwagi sa kumpetisyon ay ang Cagayan Museum & Historical Research Center bilang first runner-up, habang second runner-up naman ang Museo ng Makati

Ang Manila Clock Tower ay matatagpuan sa Manila City Hall, Padre Burgos Ave., Ermita, Manila. Ito ay
bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 10: 00 a.m. hanggang 5: 00 p.m. (ANDI GARCIA)