Advertisers
NOONG nagdaang Linggo, isang trahedya ang naganap sa kasagsagan ng bagyo, sa gitna ng Bajo de Masinloc. Bumangga sa FFB Dearyn kung saan ang kapitan nito na si Dexter Laudencia, 47, at tripulante Romeo Mejeco, 38, at Benedicto Olandria, 62, ay nahulog sa dagat at nalunod. Ang tatlo ay mula Barangay Calapandayan sa Subic, Zambales. Ang hinihinalang nakabangga ay ang Pacific Anna isang foreign registerd oil tanker mula sa Marshall Islands na patungong daungan ng Singapore. Dahil dito sinabi ni Admiral Armand Balillo ng PCG na dapat pag igtingin ang gamit ng mga sasakyan pandagat upang maiwasan ang ganitong uri ng sakuna.
Tama ang sapantaha ni Gideon Lasco: “What’s even more worrisome than the shrinking value of the peso is the shrinking value of human life in our country…” Bukod sa tatlong namatay labing-isang mangingisda ang nasaktan: Johnny Manlolo, 40; Estelito Sumayang, 50; Mario An, 50; Mandy An, 22; Michel An, 37; Gino Arpon, 30; John Michel Nogas, 37; Noriel Tolores, 27; William Asuntista, 39; Darwin Mejia, 32, and Reymark Bautista, 30, pawang taga Subic, Zambales. Nakikiramay ang inyong abang lingkod sa mga naulila. Sana matuldikan ang isyung ito at managot ang dapat managot.
***
SA pagbalik ng pangalang Marcos sa eksena ng pulitika sa ating bansa, at sa pananatili ng ating “political amnesia,” ibabahagi ko lahat ang nabasa ko na likha ng isang malikot ang diwa na itatago natin sa pangalang José Vener Ibarra. Sana magsilbing aral ito , lalo na sa henerasyon na hindi nakaranas ang hirap ng batas-militar. Marcos fan ba ang anak mong millennial? Eh di patikman mo siya ng Martial Law:
1. Wag mong ibigay ang password ng WiFi hangga’t hindi niya kantahin ang Bagong Lipunan Song. Palitan mo ang WiFi password araw-araw.
2. Hatiin mo sa 50% ang allowance niya. Ibili mo ng baril.
3. Yung karne na binili sa palengke palitan mo ng tokwa. Sabihin mo para sa kalusugan niya yun. Tawagin niya itong “textured vegetable protein.
4. May curfew sa bahay. Kailangan tulog na siya ng 9PM. Kung hindi magdamag siya sisinagin ng flashlight sa mukha.
5. Ang bawat Sabado ng linggo ay inilaan niya para magbunot siya ng damo.
6. Kung hihingi ang anak mo ng pang school project kaltasan mo ng 10%. Sabihin mo “for the boys”.
7. Apat na channel lang sa free TV ang pwede nyo panoorin. Dapat ang isa dun ay PTV4.
8. Araw-araw mo i-raid ang kwarto niya. Kapag nagreklamo tawagin mo siyang “subersibo.”
9. Umutang ka sa bangko at bumili ka ng “Porsche”. Babayaran kamo niya ito pag may trabaho siya. Kaya umpisahan na niya.
10. Gumawa ka ng “scandal video” habang kumakanta ng “Pamulinawen”.
Patawa man ito, nawa’y hindi na tayo bumalik sa madilim sa bahaging iyon ng ating kasaysayan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “Back in 2016 when I filed a plunder case against Duterte, his Peace and Order fund in Davao was around P700M plus. We found out that he was using 11,000 ghost employees to liquidate those funds. Ngayon pala P1.8 billion na! Tsk tsk. Di talaga makakalusot sa COA special audit yan. Just randomly checking those names will surely yield fictitious persons. Lalo na at may National ID database na that COA can use…” – Sonny Trillanes, dating mambabatas
“The present composition of the Comelec is probably the MOST GARAPAL in our history. It is not an independent Comelec but an extension of Davao city. The commissioners are like the emperor who walked w/o clothes on …” – Al Leon, mamamahayag, netizen, kritiko
“SWOH wants things to be confidential, but she doesn’t know how to be discreet. In short, WALANG FINESSE. Ayaw din niya nang ACCOUNTABILITY…” – Leonor Bustamante Cinco, netisen kritiko
“Kwento ko sa West Philippine Sea… Sa Ayungin Shoal, pinupunit namin ang kalendaryo para di maisip ang mga nagdaang araw. Isa lang ang focus ng isip namin na bantayan ang sovereignty at teritoryo ng bansa. Minsan pag nakaduyan ako, naalala ko pamilya ko tinititigan ko lang yung bandila natin na nasa vow ng barkong BRP Sierra Madre, high morale na naman ako. Para sa bansang Pilipinas kaya ako andito…” – Sundalong Pilipino
“Ngayon sinasabi ng Diyosang Tibo na ang kontra sa confidential fund ay kontra sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa. Niloloko tayo…” – Philip Lustre Jr, mamamahayag, netizen, kritiko
“Madali mong malaman na ang isang tao ay mangmang… Humahanga ito at pumapalakpak sa isang tao na ang ginawa ay panay kasamaan…” – TC Cuevas, netizen, kritiko
“Don’t call it confidential fund. Call it theft of the people’s money…” – Roly Eclevia, mamamahayag, netizen, kritiko
***
Wika-Alamin:
Bathala/Maykapal
-Siya ang lumikha ng sangkalawakan. Nakalukolo si Bathala sa Kaluwalhatian o Kalangitan. Ang tagdan o simbolo niya ay ang Sarim o Timanukin o Sarimanok o Sarim.
***
mackoyv@gmail.com