Advertisers

Advertisers

Alden binisto, nainlab kay Maine pero ‘di niligawan

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ni Alden Richards sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya kay Kuya Boy na na-fall siya sa dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.
Tanong ni Kuya Boy kay Alden,”Did you fall for Maine? Na ang sagot ni Alden,“Yes po. Hypocrite po ako kung hindi. And yes po, ayoko pong sabihin na alam niya, pero I did confess.”
Inamin din ni Alden na nagkagusto siya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, pero hindi ito nalaman ng beauty queen na married na ngayon kay Jeremy Jauncey.
“Since sa Eat Bulaga! po, siyempre best friends sila ni Pauleen Luna, every now and then, si Pia would go there to say hi hello to Pauleen, tapos nag-uusap sila.
“As in nakikita ko po siya nang hindi naka-glam so very… wala rin pakialam. Yung puso mabuti.
“And then, after she won, I saw her biglang parang grabe… I can attest that she has remained the same,” aniya pa.
Well, kung totoong na-fall noon si Alden kay Maine ay bakit hindi niya ito niligawan, di ba?
***
NOONG girlfriend pa ng isang hunk actor ang dating aktres, against ang mommy ng huli sa una. Hindi ito boto sa hunk actor na maging boyfriend ng anak.
Umabot nga raw sa puntong tinalakan umano ng mommy ng aktres ang hunk actor nang ihatid nito si aktres sa kanilang bahay.
Sabi raw ng mommy ng aktres sa hunk actor, huwag na huwag na raw nitong makikita ang pagmumukha nito at kung pwedeng layuan na raw nito ang kanyang anak. Prangkang sinabi rin daw ng mommy ng dating aktres sa hunk actor.na hindi niya ito gusto para sa kanyang anak dahil babaero raw ito.
Sumagot naman daw si hunk actor, sabi nito sa mommy ng dating aktres ay mahal na mahal daw nito si aktres, at hindi niya raw ito lolokohin, at hindi naman daw siya babaero.
Pero sabi raw ng mommy ng aktres ay hindi siya naniniwala sa sinasabi ng hunk aktor. At inulit niya ang sinabi niya sa hunk actor na layuan nito ang kanyang anak.
Si aktres naman daw ay iyak lang nang iyak habang pinapanood ang pagtatalak ng kanyang mommy kay hunk actor. Pagkatapos daw ng pagtatalak na yun ay pinauwi na ng mommy ni dating aktres si hunk actor at wala nang nagawa si aktres. O di ba, parang eksena lang sa isang serye o pelikula ang nangyari?
After ng eksenang ‘yun ay tinawagan ni aktres si hunk actor at sinabi rito na mabuti pang mag-break na lang sila kahit mahal na mahal daw niya si hunk actor. Wala namang nagawa si hunk actor kundi tanggapin ang naging desisyon ng dating aktres.
Ang pagka-disgusto ng mommy ng dating aktres sa hunk actor ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sino si dating aktres? Mula siya sa isang artista search at hanggang ngayon ay single pa rin. Si hunk actor naman ay may asawa na ngayon na isa ring artista.