Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
LATE bloomer ang Kapuso actor na si Richard Yap dahil nagsimula ang kanyang acting career sa edad na 44.
Nagsimula siya sa seryeng “Binondo Girl” pero mas na-identify siya sa mga kilig romantic projects tulad na lamang ng matagumpay na pagsasama nila ni Jodi Sta.Maria sa teleseryeng “Be Careful With My Heart.”
Nasundan pa ang pagsasama nila ni Jodi sa TV series na “Sana Dalawa ang Puso Ko” at sa pelikulang “The Achy Breaky Hearts.”
Pero ang hindi alam ng nakararami, bet pala niyang maging action star.
Katunayan, nag-aral daw siya ng iba’t ibang klase ng martial arts noong kanyang kabataan.
Pagbibida pa niya, marunong daw siya ng karate, taekwondo, aikido, at Chinese kung fu.
“I’ve always wanted to do action,” sey niya sa isang panayam. “It’s just that I already feel tired just by watching my other actor friends do it. Doing all those fight scenes under the intense heat of the sun can drain you. Maybe I’d do it if our set is air-conditioned,” pahabol niya.
Hirit pa niya, ang isang magaling na action star daw ay ‘yung mga may alam talaga sa martial arts.
“It’s easier for us to do fight scenes. You will see right away if a person knows how to kick, or if he has the proper form,” bulalas niya.
Kahit pa 56 years old na siya, paniwala naman si Richard na matutupad pa rin niya ang kanyang pangarap na maging action star.
Sey pa niya, may pag-uusap na raw sila ng magaling na action director na si Direk Lester Pimentel Ong tungkol sa isang posibleng kolaborasyon sa isang proyekto.
Si Direk Lester ang director ng toprating Kapamilya action series na “The Iron Heart” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca.
“I look forward to doing a project with Direk Lester. We’ve talked about it,” deklara niya.
Positibo rin daw siya sa naging pag-uusap nila ng nasabing director.
“I think it will happen because we’ve been talking to the same people and have been going around the same circles,” sey niya.
Naibahagi rin niya na bukod sa matalik silang magkaibigan ni Direk Lester ay business partners din sila.
Ngayong taon ay muli silang nagtambal ni Jodi sa teleseryeng “Unbreak My Heart.”