Advertisers
Dahil sa magandang pagpapatakbo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay inaasahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na makakamit nito ang year-end projections nito na 45 million passengers at 275,000 flights sa pagtatapos ng taong 2023, bilang tanda ng patuloy na pagbangon ng industriya ng ‘aviation’ sa bansa.
Ayon sa prediksyon ni MIAA general manager Bryan Co, malamang sa hindi, ang passenger volume sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa unang tatlong quarters ng 2023ay malalagpasan pa ang kabuuang bilang ng domestic at international passengers na gumamit ng NAIA terminals noong 2022.
“NAIA registered a total of 33,757,646 domestic and international passengers from January to September of this year, marking a nine percent increase over 2022’s total passenger volume of 30,943,105 and according to Co, “this figure signifies a remarkable 59% surge in passenger volume during the same period in 2022 and is equivalent to 95 percent of the first three quarters’ performance in 2019, the last full year before the COVID-19 pandemic,” pahayag ni GM Co.
“Domestic and international flight movement remains robust, with 206,050 flights taking off and landing at NAIA from January to September 2023, up 31 percent from the same period in 2022 and two percent higher than the first three quarters of 2019,” dagdag pa nito.
Pagdating naman sa passenger volume at flight movement, ang 2023 third quarter performance sa NAIA ay lumitaw bilang pinakamalakas sa loob ng three-month period kumpara sa first and second quarter ng taong ito.
Sinusugan ito ni Public Affairs Officer Consuelo ‘Connie’ Bungag na nagsabing mula nang magka-pandemya, ang buwang July 2023 ang nagtala ng pinakamaraming pasahero sa loob lang ng isang buwan na umabot sa 4,185,555, habang nitong August 2023 ay nitala naman ang pinakamaraming flights na 23,969 sa loob din ng isang buwan.
Bukod pa diyan, ani Bungag ang naitalang consistent upward trend at bumuting flight on-time performance (OTP) ng NAIA.
“Under the stewardship of GM Co, the MIAA held an average OTP of 80 percent in September 2023, matching the highest average OTP rate recorded this year in March. Conforming to accepted international standards, flights that depart and arrive at NAIA within 15 minutes of the scheduled time are regarded as on-time,” ani Bungag.
Ipinagmalaki ni GM Co na ang mga nasabing resulta ay kumakatawan sa major improvement ng OTP na 60 percent noong Hunyo at masasabing dahilan umano nito ang mga temporary suspension ng lahat ng flight and ground operations sa NAIA tuwing may ‘Red Lightning Alert’ at pati na rin sa isyu ng aircraft maintenance at spare parts na nakaapekto sa lahat ng major airline operations.”
“MIAA’s enhanced schedule reliability can be attributed to a strategic blend of software solutions and technology, combined with vigilant monitoring even as the airport successfully mitigated operational disruptions caused by Red Lightning Alerts by utilizing innovative technology and real-time monitoring systems, significantly enhancing OTP. Furthermore, close collaboration with airlines and aviation stakeholders to address industry challenges ensured the timely deployment of required resources needed to support flight schedules, he said, adding that “MIAA remains committed to ensuring the safety, efficiency, and satisfaction of our travelers and stakeholders, and we will continue to work collaboratively with airlines and industry partners to sustain this positive trajectory in the months ahead,” paliwanag ni GM Co.
Tinitiyak din niya na lahat ng hakbang para pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng travelling public at airport users, pati na din mga flights at facilities ay palagiang ipinatutupad.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.