Advertisers
HINDI kami kumporma sa masakit na biro sa Department of Science and Technology, o DoST. Bilang insulto, tinawag ito na Department of Suka’t Toyo. Bagaman mabagal ang usad ng agham at teknolohiya sa bansa, hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang namatay ang pagsulong ng isang mahalagang sangkap ng kabihasnan sa bansa. Hindi lang prayoridad sa ngayon ang research and development (R&D) sa agham.
May mahalagang pangyayari na hindi nabigyan ng sapat na pansin ng madla. Matagumpay na inilunsad ang TALA, ang unang high-powered hybrid rocket na ginawa sa Filipinas. Inilunsad ito noong ika-20 ng Mayo sa Crow Valley Gunnery Range, Capas, Tarlac. Hindi masyadong binigyan ng publisidad sa media ang natatanging kaganapan. Unang matagumpay na rocket launch ito. Kasalukyang inaalisa hanggang ngayon ng mga eksperto ang mga datos na nakuha sa paglulunsad ng natatanging hybrid rocket.
Inilunsad ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Space Agency (PhilSA), isang bagong tatag na sangay ng gobyerno na ang pangunahing gawain ang larangan ng rocket. Isa ang Philsa sa mga ahensya na nasa pangangasiwa ng DoST. Hindi nagkaroon ng publisidad ang paglulunsad dahil hindi sigurado ang mga maglulunsad kung magtatagumpay ito. Bukod diyan, bagong ahensya ang Philsa at hindi sanay ang mga nahirang na mangasiwa sa takbo ng media.
***
AYON sa kalatas ng PhilSA, inilunsad ang TALA noong ika-20 ng Mayo, Sabado, sa ganap na 11:57 am mula sa Crow Valley Gunnery Range sa bayan ng Capas sa lalawigan ng Tarlac. Gumamit ito ng Can Satellite payload bago ito bumulusok paibaba at bumukas ang main parachute para sa safe landing.
Nakuha ng rocketry team ng TALA ang rocket body sa pinaglunsaran at kasalukuyang inaanalisa ang mga datos ng paglulunsad upang makita ang detalye ng rocket flight. Bilang isang hybrid rocket, gumamit ang TALA ng solid fuel at liquid oxidizer upang maging ligtas ang paggawa at paglulunsad sa himpapawid. Hindi malaki ang ginastos sa hybrid rocket.
Ayon sa kalatas, nailunsad ang TALA hybrid rocket sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PhilSA (Philippine Space Agency) at Philippine Air Force ng Colonel Ernesto Ravina Air Base, the 710th Special Operations Wing, Air Force Research and Development Center, Air Force Systems Engineering Office, 950th Cyberspace and Electronic Warfare Wing, Air Force Public Affairs Office, at 790th Air Base Groups.
Unang ginawa ang TALA noong 2018 sa ilalim ng Young Innovators Program ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ng mga estudyante at guro mula sa St. Cecilia’s College – Cebu. Unang binalak na ilunsad ito noong Marso 2020, ngunit ipinagpaliban dahil sa pandemya. Muling nagtrabaho noong 2022 at TALA team sa PhilSA upang bigyan ng refuel ang paglulunsad ng TALA.
Mahalaga ang rocket sapagkat ginagamit ito sa fireworks, missiles at iba pang sandata pandigma, ejection seats, launch vehicles sa artificial satellites, human spaceflight, at paggalugad sa kalawakan (space exploration). Itinuturing ang tagumpay ng paglulunsad ng TALA hybrid rocket bilang patunay na hindi tulog ang agham at teknolohiya sa bansa.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “When a reporter sits down on a typewriter, he’s nobody’s friend.” – Theodore H. White
“One honest friend is worth more than a million sycophants.” – Kevin Ansbro
“Social media is the new Parliament. Not Congress, where lawmakers enact laws that benefit them. The voices in social media are enough to revitalize the Philippines. Legitimate netizens are the unofficial legislators of this country. We can’t expect much from the official lawmakers. They are doomed to represent their selfish interests, never the country’s.” – PL, netizen, kritiko
“Five things successful people do on weekends: 1. pursue passion; 2. avoid chores; 3. take vacation; 4. socialize with friends and relatives; and 5. disconnect social media and Internet.” – Dennis Servañez, netizen
***
KUNG pumayag ang mga Arabong Palestino sa Partition Plan ng 1947 bagong ang pagbuo ng bansang Israel noong 1949, hindi sana sisiklab ang gulo sa Gitnang Silangan. Malaking bahagi ng Palestine noon (ngayon ay Israel) ay makahahati at mapupunta sa Palestine. Ngunit hindi sila pumayag. Ang gusto ng mga Arabo ay kanila ang buong Palestine at ayaw nilang magbigay kahit kapiraso sa teritoryo. Ayaw nilang ibahagi ang teritoryo sa mga Hudyo.
Walang pupuntahan ang mga Hudyo kaya minarapat nila na tuluyang makipagdigmaan sa mga Arabo. Sa takbo ng panahon, lumaki ang naokpua ng mga Hdyo at lumiit ng lumiit ang para sa mga Palestinong Arabo. Hindi natapos-tapos ang gulo sa Gitnang Silangan. Nawala ang Palestine Liberation Organization (PLO) simula ng mamatay si Yasser Arafat, and lider nito sa mahabang panahon.
Pumalit ang Hezbollah at Hamas sa eksena. Pumapel ang paksyon ng relihiyosong Shiite ng Iran at tuloy-tuloy ang gulo sa Middle East. Malupit ang ganti ng mga Hudyo sa mga nagpasimuno ng gulo sa Gitnang Silangan. Hindi sila ang nag-umpisa ng gulo at alam nila ang gagawin nila sa kasalukuyang sitwasyon.
Mahigit anim na milyon ang mga pinuksang Hudyo noong panahon ni Adolf Hitler sa Nazi Germany. Hindi papayag ang mga Hudyo na muling maulit ang malagim na kasaysayan. Batid namin na may mga plano ang mga Israeli. Unawain natin ang kasaysayan.
***
Email:bootsfra@yahoo.com