Advertisers
Nagpositibo sa kemikal na arsenic ang tubig sa deep well sa Batangas Medical Center sa Batangas City.
Ayon kay Dr. Jose Tenorio, coordinator ng Disaster Risk Reduction and Management in Health ng Batangas Medical Center, sa ginawang preliminary test sa tubig sa deep well noong Huwebes, lumalabas na umabot sa 14 hanggang 19 parts per billion ang antas ng arsenic lampas sa normal level na 10 parts per billion.
Ipinagbawal muna ang paggamit ng tubig mula sa deep well ng ospital.
Tiniyak din ni Tenorio na normal ang operasyon ng ospital.
“Wala pa naming effects for our patients ginawa lang naming yun for the safety and protection of our patients so we have announced na mayroon talagang mataas na arsenic ang BatMC na ang soure ay galing sa deep well“ang ginawa namin dyan we have provided muna for the meantime yung aming dietary services gumagamit sila ng distilled water,” aniya.
Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagtaas ng level ng arsenic sa deep well ng nasabing ospital.
Ang pangmatagalang exposure sa arsenic ay maaaring magdulot ng iba-ibang sakit tulad ng lung cancer.
Hunyo 2022 nang mapositibo rin sa arsenic ang maraming water source sa iba-ibang bayan sa Batangas lalo na ang mga nakapaligid sa Taal Volcano.