Advertisers

Advertisers

EAC tinuldukan ang winning streak ng Lyceum sa NCAA men’s basketball

0 2

Advertisers

TINULDUKAN ng Emilio Aguinaldo College ang winning streak ng Lyceum of the Philippines sa pamamagitan ng 83-76,overtime win sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 men’s basketball sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City Miyerkules.

King Gurtiza umiskor ng 18 points,eight rebounds, three blocks at two assists para sa Generals na sinukbit ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay sa anim na laban upang lalong patibayin ang kanilang kapit sa Final Four bid.

Nat Cosejo nagdagdag ng 14 points, seven rebounds, two assists,at two blocks habang si Ralph Robin at Nicole Quinal bumakas ng 13 at 11 points,ayon sa pagkakasunod.



John Bravo nagtapos ng 18 points,nine rebounds at two steals para sa Pirates.Mclaude Guadana bumakas ng 13 points,Enoch Valdez may 12 points.