Advertisers

Advertisers

Jeremy Miado vs Lito Adiwang rematch

0 3

Advertisers

MULING magbanggan ang dalawang best strikers ng Philippine Martial arts kapag nagkaharap si Jeremy Miado at Lito Adiwang sa undercard ng ONE Fight Night 16 sa Nobyembre 4 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok,Thailand.

Nagsagupa sa cage sina Miado at Adiwang sa ONE:X nakaraang Marso kung saan nagwagi si Miado sa second-round technical knockout matapos magtamo ng knee injury sa panahon ng laban.

“I really wanted this rematch. When we first met, honestly, I wasn’t that excited because I knew I was facing a fellow Filipino and he wasn’t in the top five, so there really wasn’t any fire at all. But I’m now truly excited,” Wika ni Adiwang.



“I’m on fire for this rematch and it’s because of him and his cornermen. Honestly, I was hurt with the way they celebrated when I got injured. He wasn’t even winning that fight and they were celebrating like that.”

Ang 30-year old Adiwang ay nagpahinga ng mahigit isang taon at naka rekober bago muling sumabak nakaraang buwan laban kay Adrian Mattheis sa Indonesia kung saan nagwagi siya via technical knockout sa 23 seconds.

Samantala, si Miado ay lumaban ng dalawang beses sapul ng lumaban sila ni Adiwang. Dinaig nya si Danial Williams by technical knockout seven months bago natalo sa highly-touted Mansour Malachieve by submission sa round one nakaraang Hunyo.