Advertisers

Advertisers

Mla. City Hall, naglabas ng alituntunin sa Undas 2023

0 16

Advertisers

PINAALALAHANAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang publiko sa ipatutupad na alintuntunin sa Manila North at South Cemeteries mula October 29 hanggang November 2, 2023.

Sa isang official advisory mula sa tanggapan ng spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna na si dating konsehal Atty. Princess Abante, nabatid na naglabas na sila ng mga bagay at gawain na ipinagbabawal sa loob ng dalawang nabanggit na sementeryo sa mga itinakdang petsa. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Vendors
2. Any type of vehicles
3. Alcoholic beverages
4. Deck cards, bingo cards, or any kind of gambling paraphernalia
5. Flammable materials
6. Firearms and any sharp objects *knife, cutter, etc.)
7. Videoke or any sound system that will cause loud sounds.

Nabatid pa sa advisory ni Abante na pinaalalahanan ang publiko ng mga sumusunod: Pinapayagan lamang ang paglilinis at pagpipintura ng nitso hanggang October 25, 2023; Pansamantalang ihihinto ang paglilibing hanggang October 28 at magbabalik sa November 3, 2023; Ang main gates ng mga sementeryo ay bukas mula 5AM to 5PM simula October 30 hanggang November 2, 2023;



Papayagan lamang makapasok ang sasakyan sa Manila North Cemetery hanggang October 25 at sa Manila South Cemetery ay hanggang October 28;

Magbabalik ang opisina sa November 3, 2023. (ANDI GARCIA)