Advertisers
MAY malaking pagsubok na hinaharap ang kauupong PNP Region 4-A Director, Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, ang PNPA Class ’95 na heneral na sumusuong sa mabigat na hamon na pamunuan ang libu-libong miyembro ng CALABARZON police force.
Sa unang araw pa lamang ni Lucas sa kanyang tanggapan sa PRO4-A Headquarter, Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna ay ipinagdiinan nito ang mahigpit na pagpapatupad sa direktiba ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na “No Take at One Strike Policies” sa lahat na vice operators sa kanilang hurisdiksyon.
Ibig sabihin, walang sinumang opisyales at mga kagawad ng kapulisan ang tatanggap ng pabor, suhol, lagay o intelhencia sa mga ilegalista lalo na sa gambling operators.
Sa ilalim ng doktrina ng “No Take at One -Strike Policies” ang police chief na mahuhulihang may operasyon ng sugal sa kanilang area of responsibility (AOR) ay mananagot at masisibak sa kani-kanilang mga puwesto.
Tumalima naman sina Cavite Provincial Director, Col. Elieuterio Ricardo Jr.; Laguna PNP Director, Col. Harold Depositar; Batangas Provincial Director, Col. Samson Belmonte; Rizal Provincial Director, Col. Rainerio De Chavez; at Quezon PNP Provincial Director, Col. Ledon Monte.
Ngunit para sa kaalaman ni BGen. Lucas at naturang PDs, may ilang hepe ng kanilang kapulisan na tandisang sumusuway sa atas ni Gen. Acorda Jr.
Dapat malaman ni BGen. Lucas na may mga police chief na hinihinalang kaalam ng mga operator ng mga ilegal tulad ng Small Town Lottery (STL) con-jueteng o bookies, pergalan (perya na may sugalan), sakla at iba pang uri ng sugal at maging ng mga smuggler at operator ng paihi at iba pang uri ng illegal activity.
Sa munisipalidad ng Laurel ay lantaran ng operasyon ng STL bookies sa bayan ni Mayor Lyndon M. Bruce. Isang nagpapakilalang pulis na alyas Encarnacion o Enca at ang kasosyo nitong barangay chairman na si alyas Kap Borce ang hari ng STL bookies sa 21 barangay ng naturang bayan, at tila walang ngipin doon ang direktiba nina BGen. Lucas at Gen. Acorda Jr.
Liban sa may pa-jueteng na nga ang pulis na si alyas Encarnacion o Enca ay nag-ooperate pa ng pergalan (perya na may sugala) sa Brgy. Levista ang isang Liza. Bukod pa doon, gabi-gabing may pasakla din ang isang alyas Ben Asis na laganap hanggang sa kanugnog na bayan ng Agoncillo.
Matunog ang balitang ang pulis na si alyas Encarnacion o Enca at alyas Kap Borce ay dummy ng pamato ng mga itong isang retiradong heneral na kilala sa alyas Gen. Abo-Sayaf aka Abo-Gago, kaya mukhang andap at hindi makagalaw laban sa mga ito si Laurel Police Chief Major Edgar Sumadsad.
May pa-jueteng o STL con- jueteng din sina alyas Raffy, Junjun at Ramil sa halos lahat ng sulok ng bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes. Panindak din ng mga ito ang pangalan ni alyas Gen Abo Sayaf aka Gen Abo- Gago at ang nagpupulis-pulisang “kapustahan” o police tong kolektor na si Jonathan Garote.
Bukod sa ratsada ang jueteng o STL bookies operation sa AOR ni Malvar OIC Police Chief Major Nestor Serrano, may puesto pijo o permanente pang sugalan ng color game, cara y cruz at sakla sa Brgy. Santiago ang shabu pusher na si Glenda. Nasa tabi lamang ito ng CP Reyes Satellite Clinic na abot lamang ng pukol ng bato mula sa Malvar Police Detachment.
Talamak din ang operasyon ng STL bookies o jueteng nina Ocampo ng Brgy. Bagbag at Kon Burgos ng Brgy. Boot saTanauan City ni Mayor Sonny Collnates , at STL con jueteng ni Naome sa bayan ng Calatagan. Sa munisipalidad ng Sta. Teresita ay laganap din ang operasyon ng STL bookies ngunit pawang nganga lang at mistulang inutil ang mga hepe ng kapulisan at alkalde doon.
Sa likod lamang ng opisina ni Lobo Mayor Lota Manalo ay nasa dakong likuran din ng Municipal Hall sa Poblacion ng naturang bayan ang mga pasugal na color game, beto-beto, sakla, drop ball at iba pang uri ng sugal ng ex-convict na si alyas Boy Life at ng asawa nitong si Eve ngunit parang walang pakialam doon si Lobo Police Chief Major Von Eric F. Gualberto.
Hindi lamang mga ilegal na pasugalan ang kailangan putulin ni Gen. Lucas kundi maging ang operasyon ng petroleum smuggling sa Batangas City at paihian o burikian ni Dondon Alahas sa likod lamang ng bahay ni Brgy. Calansayan Chairman Felix Gutierez sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron, pati na ang malawakang operasyon ng STL con-jueteng sa lahat na siyudad at bayan sa hurisdiskyon ni Cavite PD Col. Elieterio Ricaro Jr. ng mga ilegalistang sina Nita Kabayo. Rebisahan ng taya sa bookiies nina Kabayo at ng kasabwat nito ay sa garahe ng isang bahay sa Brgy.Sta Maria, Dasmarinas City.
Hindi kaya alam ni Gen. Lucas at PD Col. Belmonte na isang Jonathan Garote ang nagpapalakas ng loob at nagbigay ng “go signal”sa mga ilegalista? Tuldukan!
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.