Advertisers

Advertisers

School campus sa Cotabato, binomba

0 8

Advertisers

PINASABUGAN ng rifle-propelled grenade mula sa malayo ang isang public school building sa Barangay Kolambog sa bayan ng Pikit, Cotabato Province nitong Huwebes ng umaga, October 12, 2023.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente na nagdulot ng takot sa mga pamilyang Moro na nakatira sa palibot na paaralan na tinamaan ng rifle grenade.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa pangyayari ang mga kasapi ng Pikit Municipal Police Station.



Sa report, nabutas ang mga sementadong dingding ng school building, tinamaan ng mga shrapnel ng rifle grenade.