Advertisers

Advertisers

SIPAG NI ABALOS

0 2

Advertisers

NAKAKABILIB naman ang pinakikitang sipag nitong ating Kalihim ng Interior and Local Government.

Bukod kasi sa pagiging secretary at cabinet member ni Pangulong Bong Bong Marcos gumaganap din si Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security in Region 8 o’ CORDS8.

Dumalo ito kamakailan sa Joint Regional Task Force Region 8-Enhanced Local Communist Armed Conflict (JRTF8-ELCAC) sa Tacloban City bilang parte na rin ng kanyang pagbisita sa Eastern Visayas.



Sa kanyang pag-ganap bilang namumuno ng CORDS8, ibinahagi ni Abalos ang kanyang mga plano para sa regional development at seguridad ng rehiyon. Pinakinggan din niya ang mga ulat ng iba’t ibang ahensiya na miyembro ng JRTF8-ELCAC.

Ang National Economic Development Authority Region 8 (NEDA) ay nagbahagi rin ng mga kailangang harapin ng CORDS8.

Kaya naman nagbahagi rin Abalos ng mga paraan paano haharapin ang mga hamon sa rehiyon at masulusyunan ang mga problemang hinaharap ng rehiyon.

Nasaksihan din ni SILG ng personal ang pag-didistribute ng mga tseke para sa mga dating rebelde. 35 sa kanila ay galing ng Northern Samar at 16 na dating rebelde naman ay Mula sa Eastern Samar na tumanggap ng halos P2.9 million pesos sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kasabay ito ng pagdi-demilitarized ng Philippine National Police (PNP) sa 56 na mga sinukong armas ng mga dating rebelde at sinuklian sa tamang halagansa pamamagitan pa rin ng ECLIP program.



Masaya si Abalos na nagbalita, na ito rin ang hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., – ang maramdaman ng lahat ng nasa grassroot level ang pagmamalasakit ng pamahalaan.

Naging mabunga nga daw ang kanyang pakikipag-meeting sa Joint Task Force ELCAC.

“Halos lahat ng ahensya andoon (sa meeting) para sa economic assistance. Hindi lang yun, sa peace and order, lahat ng kailangan mangyari para ang lugar ay mabago nang husto,” ang naging pahayag ni Abalos sa media.

Sabi pa niya, na-identify nila ang mga Local Government Units (LGUs) na kailangang-kailangan ng suporta at ito ang kanilang tututukan alinsunod sa programa ng JRTF-ELCAC.

Yan ang kakaibang sipag ni SILG.