Advertisers

Advertisers

Joshua mabilis magpalit ng dyowa

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA kanyang vlog na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, ipinagtanggol ni Ogie Diaz si Joshua Garcia laban sa mga netizen na nagsasabing isa siyang red flag dahil ang bilis daw kasi nitong magpalit ng jowa.
May bago na nga raw girlfriend si Joshua at ito ay ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.
Sabi ni Ogie, “Hoy Joshua, madalas ka naming nakikita na may kasama kang babae. Girlfriend mo ba ‘yan, anak?”
Sey naman ni Mama Loi, “Mukhang very open na sila kasi nagpo-post na sila ng pictures together na sweet sila ni Emilienne Vigier.”
Chika pa ni Mama Loi kina Ogie at Mrena, hindi naman daw idini-deny ni Joshua ang relasyon nila ng atleta ngunit nais niyang maging pribado ang kung anong meron sila.
“Hindi naman siya nag-overlapping. Pagkatapos ng isa, siguro mabilis lang siyang nakakahanap ‘no! Madali siyang nakaka-move on,” saad ni Ogie.
Ayon pa kay Ogie, napakagwapo kasi ng young actor at kahit siya ay nagkaka-crush dito.
Noong 2022 nang lumabas ang chika na may namamagitan kina Joshua at ng social media influencer na si Bella Racelis.
Noong September 2023 nang magbahagi si Joshua ng compilation ng mga larawan ni Bella in black and white kaya naman marami ang nagsabi na may namamagitan nga sa dalawa.
May mga chika ring magkasamang nagbakasyon sa Japan sina Bella at Joshua dahil sa pagkakapareho ng mga lugar kung saan kinunan ang mga larawang ibinahagi nila sa social media.
Ngunit nitong April 2023 ay napansin ng mga netizen na in-unfollow ni Bella ang Kapamilya actor sa Instagram, na tanda na mukhang nagtapos na kung anuman ang namamagitan sa kanila.
At kaya ayun, sinasabihang isang red flag si Joshua, dahil hindi pa man natatagalan ang hiwalayan nila ni Bella ay may bago na agad siya.
***
NAIRITA at binweltahan ni Sharon Cuneta ang isang netizen na nag-comment sa post niya sa kanyang Instgram account, na sinabi nito na huwag daw i-compare ng Megastar si KC Concepcion sa iba pa niyang mga anak. Na sa post naman na ‘yun ni Sharon ay hindi niya ikinumpara ang anak nila ni Gabby Concepcion sa mga anak nila ni dating senador Kiko Pangilinan.
Bwelta ni Sharon sa netizen,”For the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip – KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO.
“Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong.
“Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.
“Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi tagpi o ginagawa.”
O, di ba, in fairness naman kay Sharon, hindi niya pinagkukumpara ang kanyang mga anak at ayon nga sa kanya sa mga interviews niya, patas lang ang pagtingin niya sa mga ito na walang nakalalamang.