Advertisers

Advertisers

“Stolen Life” nina Carla, Beauty, at Gabby, nakakaintriga!

0 9

Advertisers

MAGSASAMA-sama sa hapon ang mga naglalakihang Kapuso star para sa isang mahiwagang kuwento this November.
Tatampok sa mas pinatinding GMA Afternoon Prime ang seryeng “Stolen Life” na pagbibidahan nina Carla Abellana bilang Lucy, Beauty Gonzalez bilang Farrah, at Gabby Concepcion bilang Darius.
Iikot ang kuwento nito sa agawan ng asawa with a twist! Dahil sa pamamagitan ng astral projection, puwedeng humiwalay ang kaluluwa ng isang tao habang natutulog. Ito rin ang magiging daan ni Farrah para makipagpalit ng katawan at agawin ang masayang buhay ni Lucy.
Ngayon pa lang, naiintriga na ang netizens sa kakaibang istorya ng “Stolen Life.” Very unique rin ang aktingan ng powerhouse cast dito gaya na lamang ni Carla na ipakikita ang kanyang kontrabida side.
Komento ng ilan sa teaser na ibinahagi ng GMA Network sa Facebook, “Kontrabida si Carla? OMG! I like the story. Sino kaya ang totoong bida rito? Kaabang-abang na naman! Kabog ang mga artist! Major plot twist!”
Huwag palampasin ang world premiere ng bigating suspense drama series na “Stolen Life” this November 13 na sa GMA Afternoon Prime!
***
Barbie at David tuloy ang pakilig kahit off-cam!
KILIG overload ang fans ng Team BarDa sa behind-the-scenes ng special limited series na “Maging Sino Ka Man.”
Pinost sa GMA Network Facebook page ang video nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco na makikita ang kanilang pagho-holding hands at kulitan habang off-cam! Talaga namang very close na ang dalawa kaya tuwang-tuwa ang netizens.
Komento ng ilang fans, “BarDa love team kilig forever! Bagay na bagay sila! Basta nagtabi, holding hands agad! Nagbo-bloom sila together ang ganda nilang tingnan! Thank you so much GMA for posting frequently about David Licauco and Barbie Forteza! Happy kami sobra!”
Samantala, malalaman na kaya ni Carding (David) na iisa sina Dino at Monique (Barbie)? Paano nga ba nila mapoprotektahan ang isa’t isa mula sa mga grupo nina Boss Frank (E.R. Ejercito) at Alex (Jeric Raval)?
Subaybayan ang “Maging Sino Ka Man,” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad habang 9:40 p.m. naman sa GTV.