Advertisers

Advertisers

Kahit maglupasay pa sa PBBM ‘di mababago ang kasaysayan

0 10

Advertisers

UMALMA ang Makabayan bloc, historians at netizens na naging bahagi ng EDSA People Power 1986 nang burahin ng kasalukuyang Marcos Jr administration sa listahan ng mga holiday sa taon 2024 ang Pebrero 25, petsa ng pagpatalsik sa pamilya Marcos at paglaya ng Pilipinas sa diktadorya at pagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag.

Gusto marahil burahin ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa isipan ng mamamayan ang petsa ng pinakamadilim na bahagi ng kanilang buhay sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pag-isyu ng Proclamation No. 368, nagsasaad na ang Pebrero 25 ay hindi kasama sa holidays.

Pero kahit pa siguro maglupasay ang mga Marcos hanggang sa mawala uli sila sa poder ay hindi na mabubura sa libro ng kasaysayan ng Pilipinas ang makasaysayang People Power na pinamunuan noon ng mga bumaliktad na officials ng yumaong ama ni PBBM na sina late Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile na sinamahan ng mga madre, pare at milyon milyong Pinoy na nagmartsa sa kahabaan ng EDSA hanggang Palasyo ng Malakanyang.



Si Enrile, noo’y Defense Secretary ni Marcos Sr., ay Legal Chief ngayon ni PBBM kahit uugod-ugod na sa edad 99 anyos.

Ang palusot ni PBBM kaya inalis niya sa listahan ng holidays ang Pebrero 25 ay dahil araw daw ito ng Linggo. Ngek! Napakababaw na rason, ano po mga pare’t mare?

Aba’y kahit Linggo o Biyernes Santo ang petsa ng kasaysayan, ito’y mananatiling kasaysayan at dapat nangunguna sa listahan ng holidays tulad ng Labor Day, Araw ng Kagitingan, Independence Day, Heroe’s Day, Bonifacio Day at Rizal Day.

Mas maige pa nga siguro kung ang inalis na holidays ay ang Christmas at New Year’s day. Hehehe…

Dapat tandaan ni PBBM na kaya sila ibinalik sa puwesto ay dahil sa pramis niyang P20 per kilo ng bigas, hindi ang baguhin ang mga kasaysayan sa bansa. Mismo!



Dapat din tandaan ni PBBM lalo ng kanyang Vice President Sara Duterte-Carpio na hindi sila inilagay sa puwesto para sa confidential funds.

Itong confidential funds ay ngayon lang ito nalaman ng publiko. Bilyones palang taxpayers money ang nilulustay ng mga opisyal ng pamahalaan nang hindi alam ng mamamayang kung saang programa inilagay. Dapat tanggalin narin ito ng kongreso mula sa Presidente hanggang sa lahat ng civilian government agencies. Now na!

Pasalamatan natin ang matatapang na miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso na sina Representatives Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Edcel Lagman; at Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros. Kung wala ang mga mambabatas na ito, hindi malalaman ng publiko kung saan napupunta ang mga ibinabayad nating tax sa gobyerno para sa social services at proyekto para sa kaunlaran ng bansa.

Magandang buhay sa ating lahat!

***

Walang pasok ngayon hanggang bukas dahil sa transport strike. Lugi na naman negosyo! Araguy!!!