Advertisers

Advertisers

“No take/one-strike policy sa Parañaque at Las Piñas, sablay!

0 1,070

Advertisers

PAREHONG mataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP) sina Police Director General (PDGen) Benjamin Acorda Jr., ang pinuno ng mahigit sa 228,000 na miyembro at opisyal ng Pambansang Kapulisan at si Police Brigadier General (PBGen) Jose Melencio Nartatez Jr. naman ay ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sila ay kapwa naatasan sa bisa ng mandato ng PNP na magpatupad ng kanilang tungkulin bilang mga lider at top law enforcer ayon sa nakasaad sa Saligang Batas ng bansa.

Bilang pangunahing tagapagpatupad ng batas, sa kanilang mga balikat nakaatang ang mabigat na responsibilidad para sa ikapagtatagumpay at ikababagsak ng kanilang liderato. Sa kanila din nakasalalay ang peace and order na isa sa pinaka-mahalagang salik ng bansa.

Hindi madali ang maging PNP Chief, ganon din ang maging hepe ng NCRPO dahil ang Metro Manila, bukod sa luklukan ng kapangyarihan ng pamahalaan ay sentro din ng negosyo kung saan matatagpuan ang mga dambuhalang establisyemento na sa tuwi-tuwina’y tagrget ng mga kalaban ng gobyerno. Ang bawat utos sa Camp Crame PNP Headquarter at Camp Bagong Diwa na Punong Himpilan ng NCRPO ay sinisiguradong ipinatutupad ng limang police district director at lahat nn mga chief of police.



Ang “No Take Policy” at” One-Strike Policy” na kaagad iniatas ni PDGen. Acorda Jr. na ipatupad matapos na mahirang na Chief PNP na sinundang ipinag-utos din ni PBGen. Nartatez Jr, matapos na matalagang hepe ng NCRPO.

Batay sa naturang direktiba na hindi lamang sumasaklaw sa 13 city police chief at isang municipal police commander sa ka-Maynilaan, kundi maging sa buong kapuluan ay kailangang mahigpit na ipatupad ang dalawang atas na magsisilbing daan para matamo ang maayos na peace and order sa bansa.

Ang dalawang kautusan (“No Take/One-Strike Policy) ay sinunod ng mga field commander at lumaganap sa buong bansa maliban sa ilang lugar sa Metro Manila tulad ng Paranaque City at Las Pinas City. Wa-epek at nabalewala ito dahil hindi ipinatupad nina Col. Reycon Garduque (Paranaque City), Col. Jaime Santos (Las Pinas City), ganon din sa ilang mga lalawigan ng Region 4-A CALABARZON.

Sa Paranaque ay namamayagpag ang lotteng ng isang nagngangalang JOY na nagsimulang mag-operate sa lungsod ni Mayor Eric Olivarez ilang araw matapos na maupong NCRPO Chief si PBGen. Nartatez Jr. sa tulong ng isang CHARLIE na nagpapakilalang tao ng Ilokanong heneral sa Camp Bagong Diwa.

Si CHARLIE ay nagpakilala ding “kapustahan” o tong kolektor ng tanggapan nina Col. Garduque at Col. Santos, at bagman pa ng ilang PNP general?



Halos kasabay ni JOY na nagbukas ng kanyang illegal lotteng sa Las Pinas ay ang isang alyas ONIE NINONG na ang sinandalan ay isang nagngangalang SAMMY na nagpapakilala namang malapit at bagyo kay Mayor Imelda “Mel” Aguilar.

Ginagasgas din ni ONIE NINONG ang pangalan nina Col. Garduque at Col. Santos sa kanyang pag-ooperate ng bawal na pasugal at bukambibig din ang drug pusher na si CHARLIE na kanyang protektor sa labag sa batas na aktibidades.

Ang tampulan ng puna at sisi ng mga mamamayan Paranaque Ciy at Las Pinas city ay kay Southern Police District Director PBGen. Roderick Mariano sa mga pagkukulang ng kanyang police chief.

May kinalaman kaya ang ipinagbabanduhan ng salot na si CHARLIE na nagreremit ito ng lingguhang payola o intelhencia sa Camp Crame, Camp Bagong Diwa at SPD Headquarter, ganon din sa himpilan ng kapulisan sa Paranaque City at Las Pinas City kaya palpak at sablay ang directive na “No Take/One-Strike Policy) nina PDGEn. Acorda at PBGen. Nartatez kay PBGen. Mariano?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144