Advertisers

Advertisers

Angel matagal nang inactive sa socmed, miss na ng bff na si Dimples

0 7

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

ISANG taon nang inactive sa social media si Angel Locsin. Maging sa tatlong gabi na lamay ng kanyang dating manager ay hindi nasilayan ang aktres.
Nababahala ang mga kaibigan niya sa syobis. Buhat daw nang maging Mrs. Neil Arce ay nag-lielow na si Angel. Bagama’t may foundation siya ( may admin na namahala) e patuloy ang pagkawanggawa nito.
Sa isang banda, naghahangad ang close friend nito gaya ni Dimples Romana na muli niyang makita at makausap si Angel. Sa kanya namang karamdaman na patuloy ang pagtaba ay dahil epekto anya ito ng gamot na kanyang iniinom. Kung sabagay, ngayon niya nae-enjoy ang personal na buhay dahil maaga siyang naging artista.
***
MARK MENDEZ DATING AKTOR, AKTIBO SA SOCMED
SA mga action films namin napanood na kasama siya ng mga action stars gaya ng pelikulang “Squala,” na pinagbidahan ni Joko Diaz.
Nakasama rin niya si Robin Padilla sa “Tunay na Tunay, Gets Mo, Gets Ko,” Gen. Maganto Story ni Jestoni Alarcon, at Bullet ni Cesar Montano.
Second lead actor din siya sa mga sikat nating action stars, isang martial arts expert (karate, judo, Kung Fu, etc.) Yes, si MARK MENDEZ ang tinutukoy natin.
Matipuno ang katawan at isa ring motorcycle rider. Aba, may singing talent din siya, ni-record niya ang mga chosen songs thru StarMaker. Kahit nasa ibang bansa, aktibo siya sa socmed kaya masaya ang mga showbiz friend niya dahil tuloy ang kanilang komunikasyon. Wish nila na magbalik-bansa si Mark para muling humarap sa movie camera.