Advertisers
AVISALA Eshma, mga Kapuso! Usap-usapan sa social media ang big reveal ng isa sa mga bagong Sang’gre na si Kapuso Prime Gem Bianca Umali!
Inanunsyo nitong October 23 sa 24 Oras ang bigating project ni Bianca na gaganap bilang Terra, ang anak ni Sang’gre Danaya. Sa isang exclusive interview kay Nelson Canlas, ibinahagi ng aktres ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa GMA at kanyang mga tagasuporta.
Ayon kay Bianca, “Paulit-ulit ko sinasabi na I’m very thankful, of course, to my supporters. Hindi ko hiniling pero ito, ipinagkaloob sa akin. That’s why I’m very, very thankful. Thankful to my Network kasi sa tiwala. I assure na they will not be disappointed. I will not fail anyone.”
Kasunod ng official announcement, nag-trend sa X (dating Twitter) si Bianca pati ang topic na “Encantadia” at #Sanggre.
Say ng ilang netizens, “I can’t think of any other actress perfect for the role, but Bianca Umali alone. Sayong sayo talaga ‘yan! Isa si Bianca Umali sa mga artista ng GMA na talagang pang-fantaserye! Can’t wait na makilala ang iba pang cast! Excited to watch this Encantadia Chronicles. Thanks, GMA Network, Ms. Suzette Doctolero, and Direk Mark!”
Samantala, malapit niyo na ring makilala ang iba pang mga bagong Sang’gre! Tumutok lang sa GMA Network.