Advertisers

Advertisers

Gawilan nakamit ang PH’s first gold sa Hangzhou Asian Para Games

0 2

Advertisers

IBINIGAY ni Filipino para swimmer Ernie Gawilan ang unang gintong medalya para sa Pilipinas sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China.

Ang 32-year-old Gawilan ay may oras na 4:58.29 sa 400 meters freestyle – S7 para siguruhin ang gold.

Matagumpay na nadepensahan ni Gawilan ang kanyang titulo mula sa 2018 edition sa Jakarta,Indonesia.



Nagtapos sa silver medal posisyon ang Singapore Toh Wei Soong, sa oras na 5:12.16,habang ang pambato ng China Huang Xianquan binulsa ang bronze medal sa tyempong 5:15.63.

Naunang ibinigay ni Gawilan sa Pilipinas ang unang medalya ng Asian Para Games Lunes, nagtapos sa bronze medal sa 200 meters individual medley S7, sa oras na 2:52.82.

Dahil sa panalo ni Gawilan, ang Pilipinas ay mayroon ng gold, silver, at dalwang bronze sa ngayong edition ng Asian para Games.