Advertisers

Advertisers

GILAS PILIPINAS, INILALAGAY NG CHINA SA ALANGANIN

0 8

Advertisers

MATAPOS maitatak ng GILAS PILIPINAS ang matagumpay na pagbitbit ng gintong medalya para sa bansa matapos ang 61 years o anim na dekadang pagkauhaw mula 1962 at 33 years na pagbabalik- Finals sa ASIAN Games 2023, nahaharap ito sa balag ng alanganin.

Gold medalist ang GILAS sa 19th ASIAN Games sa Hangzhou, China. Unang nagapi ng GILAS ang CHINA, 77-76 sa Semifinals at IRAN, 84-83 sa Quarterfinals, matapos itaob ang QATAR, 80-41 sa Qualification Game ng 19th ASIAN Games Men’s Basketball 5×5 Tournament.

Hindi madali para sa China ang pagkatalo sa GILAS sa sariling homecourt. Almost over a week pa lang para makapag-enjoy sa panalo, sorpresang nagpakana pala ito ng sitwasyon ngayon na gustong ma-disqualify dahil sa isyu ng ASIAD Doping test kung saan lumabas na positive ang hero ng laro sa ASIAN Games ng GILAS na si JUSTIN BROWNLEE.



Kailangan ang sample B ni BROWNLEE at kung may 2-3 teammates na magpositibo rin, mawawala ang gold medal ng PINAS. Ayon kay GILAS Team Manager/SMC Sports official AL FRANCIS CHUA, “Hindi na pabubuksan pa ang sample B, pareho lang naman ng sample A na pinaghati lang sa iisang lalagyan. The only thing as of now ay tanggapin na lang kung ano ang ibinabato ng China. Hindi natin totally kontrolado ang sitwasyon kung bubuksan ang sample B’.

Nasa medication pala si BROWNLEE sa US nung gawin ang test at kakaiba umano ang tagal ng proseso ng CHINA kay BROWNLEE nung sya na ang kinukuhanan ng urine sample. Anyway, di naman pala enhancing drugs. Hihintayin na lang ang resulta ng sitwasyon at aasikasuhin ang patunay na under medication si BROWNLEE sa USA at the time ng doping test.

Posibleng 2 years suspension ang maipapataw kay BROWNLEE if ever pero posible naman ding mapababa Lalaro para sa GINEBRA si BROWNLEE pero naghahanda ng back up ang team just in case, depende sa span of time ng pagbaba ng hatol. Inilabas ng INTERNATIONAL TESTING AGENCT (ITA) na nagpositibo si BROWNLEE sa Carboxy-THC, substance na hindi enhancing drugs. Let’s just wait and see what’s next.

PBA, BALIK-AKSYON
BALIK-AKSYON ang top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) sa darating na Nobyembre 5. Abangan po natin ang mga sorpresa ng PBA COMMISSIONERS CUP Opening 2023-2024., MAGNOLIA vs. TALK N TEXT ang mag-uumpisa ng game 7 pm after PBA Opening, 5pm. Congrats sa awardees ng 47th LEO AWARDS, 4pm. Tutukan po natin sa SMART ARANETA COLISEUM at mapapanood ng live sa A2Z Channel ang lahat ng laro. So there!

OCTOBER CHEERS
MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to fellow PFT scribe BETH GELENA, MBTC and GOD Bless Sis! HAPPY BIRTHDAY to Mam SUSAN LORA (AUPC), JAMAICA ROSE MANTILLA of Orani, Bataan, MYLINE CRUZ (Mandaluyong), Sis CARMENCITA YUMANG (San Felipe Neri Church), KATRINA CANLAS (Manila) RICH STA TERESA (Mandaluyong), MARISSA AGOSTO-OCANA. Best blessings be with you all. HAPPY READING!