Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAS napag-uusapan ang lovelife ng ex ni Andrea Brillantes na baskebolista na si Ricci Rivero kaysa sa kanyang paglalaro.
Muli ngang na-bash si Ricci nang umamin ito sa relasyon sa beauty queen politician na si Leren Mae Bautista.
Muling ibinalik nga ang interbyu ni Ricci na sinasabi nito na wala silang relasyon..
Kaya kaliwa’t kanan ang bira kay Ricci.
Kahit si Leren Mae na dyowa ngayon ni Ricci ay naiintriga at inakusahang third party sa hiwalayang Andrea at Ricci.
Palag ni Leren Mae ay bakit di raw tanungin si Andrea kung talagang third party siya sa relasyon ng dalawa.
Nagtitimpi na nga lang si Ricci at gusto na rin sumabog at pumutok regarding sa pangangaliwa.
Matatandaan sa isang interview kay Seth Fedelin ay naging maingat ito sa pagpapahayag noon.
Kaya nga nagalit ang nanay ng aktor kay Andrea dahil sa isang sikat na young aktor din ang na-link sa ex ni Ricci.
Konti na nga lang daw ay baka kumuda na ito.
***
MISMONG sa Tiktok at IG ni Heart Evangelista ay pinabulaanan nito ang kumakalat na tsila na ibinenta nito ang kanyang kidney.
May isa nga raw baby na need ng kidney kaya may mga bulong na ubra naman siya mag-donate at tutubo raw naman ito sa pag-take ng Vit B.
Pero di naman mamatay ang isyu sa kumakalat sa online sa umano ay pagbebenta nito ng kanyang kidney.
Dalawang socmed account na nga nito siya sumagot at pinabulaanan ang mga nagkalat na tsika.
Pagmamalaki pa nito na malakas na malakas siya.
Well, well, well…’Yun na!