Advertisers

Advertisers

John Lloyd inamin, kapwa sila boring ng syotang si Isabel

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam ni John Lloyd Cruz sa Fast Talk With Boy Abunda, finally ay inamin niya na ang relasyon niya kay Isabel Santos, ang apo ng award-winning cartoonist at fine arts painter na si Mauro Santos.
Sabi ni John Lloyd na natatawa,”Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako. We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami.
“Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila ‘yung una kong pinasok na gallery.
“At the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN, napadpad ako sa pag-e-explore ng arts so gallery nila yung una kong napasok.
“Sila yung mga una kong nakilala. Yung family nila, kung sino yung patrons ng gallery nila. Matagal na kaming magkakilala.
“We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us, at the time. Mula noon, present na rin siya sa buhay ko,” aniya pa.
Sa tanong ni Kuya Boy kay John Lloyd kung nakatulong si Isabel sa paniniwala niya sa kasal, ang sagot ng aktor.“Yeah! Malaki yung… she’s very elemental sa mga ganyang bagay.
“Sa kung paano namo-mold yung kung anuman yung mga lumalabas sa bibig ko. Kung anuman yung nabubuo sa isip ko.
“Siyempre, yung consideration lagi for the two of us, especially para sa kanya, laging nandoon.”
“Nagtatanong about showbiz si Isabel?” sumunod na tanong ni Kuya Boy.
“Hindi masyado,” sagot ni John Lloyd.
“Siguro when it comes to films, lumalabas yon. But yung siya, like tatanungin kung paano, hindi masyado.”
***
KUNG noon ay chain smoker si Kylie Padilla, ngayon ay hindi na. Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Kylie na dalawang taon na siyang hindi naninigarilyo. At hindi na rin siya umiinom.
Post ni Kylie,”I’ve given up on all vices. I used to be a chain smoker. I gave up totally 2 years ago.
“I used to love my alcohol only in moderation, but I loved a glass or 4 of wine especially if things got a little stressful in life but after some pretty strange events in my life, I decided to give up on alcohol completely as well,” kwento niya.
At kasunod nito ay ibinunyag niya ang bago niyang bisyo na may magandang epekto sa katawan.
Ayon pa sa kanya, ito ang pag-inom niya ng moon blend tea na inirekomenda sa kanya ng kapatid na si Queenie.
“I now have found my newest vice but not really because vices actually have a negative connotation. But this vice I discovered through my sister who also suffers from anxiety.
“My life has changed. I have always loved the holistic approach to healing the body and this blend has done that for me.”
Sinabi rin ni Kylie na hindi niya gusto ang side effect ng pag-inom ng alak, kumpara raw sa tsaa na nakaka-relax pa raw ang tama sa kanya.
“I never really liked the hangover from drinking alcohol or the loss of self control lol, Lion’s Mane relaxes me and gives that same feeling as having a glass of wine but organically and without the dehydrating side effect of alcohol,” lahad niya.