Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MATAGUMPAY ang event pero may mga kinaharap na pagsubok at hirap si Samantha Lopez lalo pa nga at napaka-hands on niya sa pag-aayos ng kanyang birthday celebrity golf tournament.
Ano ang pinakamalaking challenge na hinarap niya in mounting her 3rd SamLo Cup?
“Ang pinaka-challenging sa akin was last night kaya hindi ako nakatulog because one, I do kasi the hole and flight assignments, yung sa mga players.
“Flight assignments meaning yung players pagsasamahin mo sa isang flight, in one flight is four players. So there are eighteen holes, tapos in one hole there are two flights, flight A and flight B.
“So merong ceremonial tee so kailangang ilalagay ko sila sa malapit na holes para pag shotgun time hindi sila malayo.”
“Ngayon, I think it’s flu season, dengue season, maraming nag-cancel, maraming hindi nakarating so iyong mga nakaayos na na mga flights, nagulo!
“So kailangan kong ulitin, paano ko ilalagay si ganito, paano ko ilalagay si ganyan. So iyon ang time consuming.
“Kasi siyempre gusto kong ilagay yung magka-flight na magkasundo sila, kasi I mean it’s a golf tournament, you still have fun, so kailangan kong pagsamahin sa flight [yung magkaka-close] so it was very challenging.”
Pagpapatuloy pa ni Samantha…
“One example is si Maricel Morales and her husband, they were so ready, coming from Pampanga but Maricel had to rush her mother to the hospital.
“Si Tonton Gutierrez got sick, si Glydel [Mercado] may taping today.”
May mga hindi man nakarating ay star-studded ang SamLo Cup; sa pagdating nina Christopher de Leon at misis niyang si Sandy Andolong (na cast member ng Magandang Dilag ng GMA), Glenda Garcia (na abala sa bagong GMA series ni Jo Berry na Atty. Matias), Maey Bautista, Maricar de Mesa, Francine Prieto, Daisy Reyes, Janelle Jamer, Nonie Buencamino, Regine Angeles, Alvin Anson, Vince Hizon at sina Randy Santiago at Dingdong Avanzado na parehong nag-mini concert, same with 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal at Lito Camo na mga umawit din sa after party at awarding ceremonies pagkatapos ng tournament.
Naroroon din si Geneva Cruz na nag-perform ng kantang Anak Ng Pasig kasama ang mga batang nakatira malapit sa Ilog Pasig na bahagi ng feeding program ng Kids For Jesus Foundation.
Dumating at pareho ring nag-golf sa umaga pa lamang sina Cesar Montano at Derek Ramsay minus Ellen Adarna.
Naging host ng event, bukod siyempre kay Samantha, sina Pinky Webb at Anthony Suntay.
Si Samantha rin ang nag-opening number with her Jennifer Lopez medley dance number.
Major sponsor ng 3rd SamLo Cup ang San Miguel Corporation.
***
MAGSA-sampung taon ng celebrity endorser ng Nailandia si Marian Rivera at walang plano ang Nailandia owners na sina Noreen at Juncynth Divina na palitan si Marian!
Aminado si Noreen na nakilala nang husto ang nail salon at foot spa chain na pag-aari nila mula noong naging endorser nila si Marian simula noong taong 2014.
“Napakabait ni Marian,” bulalas ni Noreen.
Ano ang napansin niya agad sa una nilang pagkikita at pagkakakilala ni Marian?
“Ay napakabait! To think na nandun na siya sa stature na Marian Rivera, di ba? Napakabait.
“Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?
“Parang ganun. Ambait-bait niya, napaka-down-to-earth.
“At napakaganda!
“At nung na-meet ko siya may show siya sa GMA, yung Marian, ay naku, naka-tank top, dyusko ganyan lang yung waist, napakaliit, grabe!”
Host si Marian noong 2014 ng kanyang sariling musical variety show sa GMA na may titulong Marian.
Masaya si Noreen na tumagal ng halos sampung taon ang samahan nila ni Marian, hindi lamang bilang negosyante at endorser, kundi bilang magkaibigan.
“Actually yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business.”
Ilang beses na raw niyang napatunayan ang kabaitan at pagiging totoong tao ni Marian.
“Basta ang masasabi ko, hindi na lang business ang relationship namin ni Marian, friendship na.
“Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship,” nakangiting wika pa ni Noreen.
Ayon pa kay Noreen ay napaka-epektibong endorser si Marian.
“Nakilala nang husto ang Nailandia dahil sa kanya, napaka-effective niyang endorser, wala akong masabi. And kasi naman di ba, sa mga fans pa lang niya, sobra, grabe!
‘Tapos napaka-perfect niyang role model; good wife, good mother, good daughter, good apo, good friend, ideal na celebrity, walang bisyo, malinis ang image.
“Complete package!”
“Marian Rivera is Marian Rivera, siya lang sapat na, actually sobra pa! Napakalakas ng hatak niya sa tao.”
Kuwento pa ni Noreen…
“Nailandia is coming up with something very big before the year ends, for the public! Something very exciting.
“Because Nailandia is blessed with so much, so we are giving back to the people just the same.”
Sorpresa raw muna kung ano ito, ayon pa rin kay Noreen.