Mayor Honey sa kandidato ng BSKE: Sumunod sa regulasyon, para walang samaan ng loob
Advertisers
“SUMUNOD po tayo sa regulasyon para di tayo magkasamaan ng loob.”
Ito ang apela ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng tumatakbo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Manila, kasabay ng kanyang panawagan na istriktong sundin ang itinakdang batas ng Commission on Elections (Comelec) sa paglalagay ng kanilang campaign materials na pinapayagan lamang sa mga itinakdang lugar.
Sinabi ng alkalde na buhat ng magsimula ang campaign period, marami ng naiulat na violations na likha ng mga kandidato, lalo na sa paglalagay ng posters at tarpaulins sa mga ipinagbabawal na lugar.
“Mahigpit na mahigpit na paalala ko sa lahat ng kandidato, ang dami nang violations committed since the start of the campaign, specifically ‘yung paglalagay ng mga poster at tarpaulin sa mga poste ng ilaw at kable ng kuryente, bawal na bawal po ‘yan,” giit nito.
“Kagaya namin, tumatakbo tuwing tatlong taon, me mga bawal po. Sumunod tayo sa mga alituntunin dahil una, sayang ang ginastos n’yo sa pagpapagawa ng mga tarpaulin dahil tuloy-tuloy ang ‘operation baklas’ ng Comelec at DILG,” dagdag pa ni Lacuna.
Ipinaliwanag pa ng alkalde na ang lahat ng local govenment units, kabilang na ang Maynila ay inatasan na alisin ang mga campaign posters at tarpaulins sa ipinagbabawal na lugar, dahil dito ay kailangan silang sumunod.
“Alam namin ginastusan n’yo yan kaya mahigpit ang aming pagpapaaalal na ‘wag na po tayong magkabit sa bawal na lugar kasi po ipatatanggal at ipatatanggal po yan sa amin ng Comelec. Tatanggalin po namin yan sa utos ng Comelec…’wag po kayo sa amin magagalit dahil ginagawa lang namin ang aming tungkiln na iniatas sa amin so para di po tayo magkasamaan ng loob, sumunod na lang po tayo,” pagbibigay diin ni Lacuna.
Sa panahon ng campaign period mula October 19 hanggang 28, 2023, ang mga kandidato ay pinapayagan lamang na maglagay ng kanilang campaign materials sa mga itinakdang lugar at pribadong lugar lamang.
Sinabi ni Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco na maliban sa lamp at electric posts pati na rin sa mga power lines, ang iba pang ipinagbabawal n lugar ay ang mga sumusunod: trees, publicly-owned buildings, gates or offices as well as electronic announcement boards like LED display boards, LCD monitors, and other government property; government-owned vehicles such as patrol cars, ambulances, and other vehicles which have government license plates; public transportation vehicles owned and controlled by the government such as the Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT), Philippine National Railways (PNR) and other types of public transportation; waiting sheds, sidewalks, street and lamp posts, electrical posts, traffic signs, pedestrian overpasses and underpasses, flyovers and underpasses, bridges, streets, center islands in streets and highways; schools, public shrines, barangay halls, government offices, health centers, public structures or buildings; public transportation terminals which are owned and controlled by the government such as bus terminals, airports, seaports, docks, piers, train stations, and other types of terminals. (ANDI GARCIA)