Advertisers

Advertisers

Naoya Inoue vs. Marlon Tapales sa December 26 sa Tokyo

0 5

Advertisers

NATUPAD ni undisputed junior featherweight title holder Marlon Tapales ang kanyang pangarap na makaharap ang wala pang talo na Japanese Naoya Inoue sa Disyembre 26, sa Ariake Arena sa Tokyo.

Ang 12-round match lahat ay title belts – WBC-WBO-IBF- at WBA – ang nakataya.

Ginawa ng Top Rank Promotions ang anunsyo Miyerkules ng umaga.



“The sensational Naoya Inoue astounds with every performance. We are witnessing an all-time great fighter in the prime of his career,” Wika ni Top Rank chairman Bob Arum.

“He (Inoue) has a very difficult task at hand on Dec. 26 against a tough, powerful Filipino champion in Marlon Tapales. But I am confident ‘The Monster’ will pass the test with flying colors.

Tapales (37-3, 19 KO’s) ang kasalukuyang may-ari ng WBA at IBF crowns kasunod ng kanyang kahanga-hangang split decision kontra Murodjon Akmadaliev nakaraang Abril.

Samantala, si Inoue (25-0) 22 KO’s) ang kasalukuyang WBC at WBO champion, at ang unang undisputed title holder sa bantamweight kasunod ng kanyang tagumpay laban kay Emmanuel Rodriguez, Nonito Donaire Jr. (dalawang beses) at Paul Butler bago umakyat sa super-bantamweight ngayong taon.

Umiskor siya ng eight round TKO kontra Stephen Fulton nakaraang Hulyo para isukbit ang unang panalo sa dalawang world championship sa junior featherweight.