Advertisers

Advertisers

PPA nagpatupad ng ‘no leave policy’ para mapanatili seguridad sa Undas, BSKE

0 2

Advertisers

Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mahigit isang milyong pasaherong dadagsa sa mga pantalan ngayong darating na Undas at Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kaya upang mapanatili ang mahigpit na seguridad sa mga pantalan, nagpatupad ang PPA ng “no leave policy” para matiyak na buo ang puwersa ng kanilang mga kawani.

“As the lead agency in the passenger operation of PPA-managed ports nationwide, we have a huge responsibility in ensuring that sea travel of the public, especially during this coming BSKE and Undas, remains to be convenient, safe and responsive to their needs, thus, the implementation of this No Leave Policy,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.



Base sa tala ng PPA, nasa mahigit 1.4 milyong pasahero ang inaasahang dadaan sa lahat ng pantalan na sakop nila sa buong Pilipinas mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, 2023.

Itinaas na rin ng ahensya ang security alert sa mga pantalan kabilang ang 25 Port Management Office sa buong bansa.

Samantala, pinayuhan ni GM Santiago ang mga pasahero na maagang planuhin ang biyahe at ugaliing i-check sa mga shipping line ang oras ng biyahe para masiguro ang lahat bago pumunta ng pantalan.

“‘Wag na rin po tayong magdala ng mga matutulis na bagay sa pantalan para hindi na makumpiska pa,” dagdag pa niya.

Bukas aniya ang social media page at hotline ng PPA para sa anumang katanungan ukol sa biyahe sa mga pantalan.



Maaaring tumawag sa numerong (02) 8711-2360 at i-like ang Facebook page ng PPA.