Advertisers
ITO ang nakikita kong hindi magandang pupuntahan ng mga kandidato sa darating na halalang pang Barangay at Sangguniang Kabataan – ang masayang ang pagod ng mga kandidato na mapapatunayang lumabag pala sa mga elections law.
Bakit? Desido ang Commission on Elections na parusahan ang mga ‘campaign at elections laws violators.
Maging ang Department of Interior and Local Goverment ay naghayag na, na ito ay nakikiisa sa hangarin ng Comelec na baguhin ang ating kaisipan sa tuwing mayroong halalan, di lamang sa BSKE.
Ang Comelec kasi, ay di magpoproklama ng mga mananalong kandidato sa BSKE kung sila ay napatunayang nandaya at lumabag sa mga panuntunan ng halalan.
Bago pa nga lang magsimula ang campaign period, bukod sa palagiang paalala ng Comelec may mga kandidato na, na nahainan ng mga ‘disqualification petition’. Meaning nakitaan sila ng mga pag-labag, at nahaharap sa imbestigasyon, na ayon din sa Comelec ay maipoproseso kaagad.
So kung sa imbestigasyon ay nalaman na agad na ang kandidato ay naka-labag ng mga panuntunan ng halalan, kahit manalo pa ito, ay di rin nila maipoproklama. Sayang di ba ang pagod na ginugul?
Maganda naman ang hangaring ito. Ang tanong ko nga sa Comelec, eh, kung kaya ba nila itong gawin din sa mga susunod na eleksiyon, gaya ng mid-term elections sa May, 2025 at BSKE muli pagkatapos nito?
Ganyang di ba sila kahigpit kung national elections na ang mangyayari? Sana nga di ‘ningas cogon’ ang sipag at paghihigpit na ito ng Comelec.
May masasampolan din kaya sa ‘vote buying? Kung kaya ng Comelec ito patunayan ngayong BSKE, eh sana mapatunayan din nila ito sa nasyunal na halalan.