Advertisers

Advertisers

CHE GUILLERMO “JEFF” FRIERA NG BRGY. 704 ZONE 77, MALATE, MANILA

0 51

Advertisers

Isa si Chairman Guillermo “Jeff” FRIERA sa mga hinahangaan nating barangay Kapitan ng lungsod ng Maynila.

AOR ni Che Jeff ang bisinidad ng San Andres St.,paikot ng Adriatico St.hanggang Quirino Avenue (kaliwang bahagi) distrito 5 ng Maynila..

Marami sa mga constituents ni Chairman Jeff ay nabibilang sa mahihirap o laylayang sektor ng nasabing komunidad.



Dikit- dikit- ang mga tahanan at napakaraming mga batang paslit.

Bakas sa nasabing barangay ang mukha ng kahirapan dahil karamihan nga sa mga residente rito ay maralitang taga- lungsod.

Pero sa kabila ng sitwasyong ito,kagulat- gulat ang kaayusan at katahimikang umiiral sa nasabing barangay.

Mababa ang bilang ng krimeng nagaganap ( crime rate) kumpara sa mga barangay na may ganitong pamayanan.

Marahil dahil ito sa pagiging agresibo at masipag na pagronda “on a regular basis” ni Che Jeff at ng kanyang mga tanod sa kanilang barangay partikular na sa mga dis- oras ng gabi.



At sa kanyang tanggapan na mismo sa Barangay Hall natutulog ang butihing punong barangay.

Maganda rin ang relasyon ni Che Jeff sa kapulisan partikular na sa MPD Station 9 na nakakasakop sa kanilang barangay.

May halos limang (5) taon ng masinop at matapat na pinamumunuan ni Che Jeff Friera ang Barangay 704 at malaking hamon dito ay noong panahon ng pandemic kung saan matapang na isinuong ni Che Jeff ang peligro ng salot na virus ng Covid-19 maipaabot lamang sa kanyang mga nasasakupan ang ayuda at pag-aaruga sa mga ito.

Walong (8) taon ding naging Kagawad si Che Jeff bago tuluyang mahalal bilang punong barangay.

Produkto ng Malate Catholic School mula elementary hanggang high school at nagtapos ng kursong accountancy sa Philippine Christian University (PCU).

Isang moog na pundasyon para maisakatuparan ang isang tunay,may malasakit at pagmamahal na paglilingkod sa kanyang mga kabarangay.

Public service ang passion ni Che Jeff at bahagi nito ay ang araw-araw na tapat nitong paglilingkod sa kanyang mga kabarangay.

Para sa maayos at matapat na pamamahala at paglilingkuran sa tao, Chairman Jeff Friera ang inyong muling iboto!

Para sa maunlad at tahimik na Barangay 704,Che Jeff ang kailangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com