Advertisers

Advertisers

Di mapoproklama ang BSK na kandidato kahit pa manalo kapag ikaw’y may nakabinbing kaso!

0 1,978

Advertisers

Ito ang mariing inilahad ni COMELEC Commissioner George Ermin Garcia nitong huli niyang pahayag sa gitna ng naglalabasang mga paglabag sa rules and regulations and guidelines hinggil sa Omnibus Election Code sa darating na October 30.

Lumabas na ang talaan ng mga nadiskwalipay na ilang kandidato para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections – – – marami pa umanong mga nakahaing petisyon na inaapura ng COMELEC ang pagdinig para naman sa madaling panahon ang di nararapat na tumakbo ay agarang ma- delist at di na maging nuisance candidate pa.

Ang pinakamatinding dahilan na nalalaman ng inyong Koyang para ang isang kandidato ay ma-diskwalipay ay ang paglabag sa “apolitical nature” ng BSK election…na sinumang kandidato ang “aalagaan” o tatangkilikin ng isang pulitiko, kahit pa ito ay palihim ay isang napakalalang paglabag sa Omnibus Election Code.



Ang pangalawang nakikita kong isa ring malalang paglabag ay ang pagsuway sa anti-dynasty provision na ladlarang nilalabag ng mga kandidato sa Barangay Council at sa Sangguniang Kabataan. Marami na rin ang nasala ng COMELEC na registration for candidacy at marami rin silang di pinayagang tumuloy pa sa kanilang kandidatura.

Liban sa mga normal na kaganapan tuwing me eleksyon tulad ng patayan, takutan, bawal na pagpapaskel sa di otorisadong poster place, vote buying, vote selling, iligal na pamamahagi ng mga pagkain, ballers, pen o pencil, sumbrero, tshirt at ilan pang paraphernalia na me nakasulat na pangalan ng kandidato, minabuti na paigtingin pa ng COMELEC ang kanyang kampanya tungo sa Honest, Orderly and Peaceful Election sa pagtatalaga ng mga miyembro ng PNP sa buong kapuluan upang magsilbing Board of Election Inspectors, gayundin and pagdedeploy ng mga tauhan ng AFP sa mga piling election hot spots lalo na sa Mindanao at sa Kabisayaan.

Panatilihin natin ang katiwasayan at ligtas na ehersisyo ng pagpili ng nararapat na Barangay Chairman at councilman at mga kabataang hindi sugo ng kanilang pamilya na pulitika ang ikinabubuhay. IN POLITICS THESE CLANS OR DYNASTIES MEAN BUSINESS, simply said in Tagalog: mula sa lolo hanggang sa kaapo-apuhan pulitika ang bumuhay sa kanilang angkan ! IBOBO MO BA ANG KANDIDATONG ALAM NANG NAGSAMANTALA SA IYO…AT PAGSASAMANTALAHIN KANG MULI??? MAG-ISIP KA – KOYANG !!!