Advertisers

Advertisers

GOVERNMENT WORKERS KlNASUHAN SA PARTISAN POLITICAL ELECTIONEERING!

0 1,786

Advertisers

Bunsod sa lantarang pangangampanya ng ilang mga GOVERNMENT WORKER o mga BARANGAY EMPLOYEE para sa INCUMBENT BARANGAY CHAIRMAN na muling kumakandidato ngayon ay kinasuhan ang mga ito sa CIVIL SERVICE COMMISSION (CSC) hinggil sa paglabag sa panuntunan sa pagbabawal para sa PARTISAN POLITICAL at ELECTIONEERING.

Ang mga EMPLOYEE ng BARANGAY KALIGAYAHAN, QUEZON CITY na sinampahan ng kaso ng kumakandidatong BARANGAY CHAIRMAN na si REY MIRANDA ay sina Herminia Gabad, Mercelita De Vera, Leonardo Laurente, Fe Atienza, Rowena Año, Analyn Mangao, Mary Ann Alamil, Romy Mallari, Jhonny Mahusay. Vivian Estigoy, Josie Insigne, at Nemelita Rojo Abon na pawang empleyado ng BARANGAY KALIGAYAHAN .., na lantaran ang mga ito sa pangangampanya para sa re-electionist nilang INCUMBENT BARANGAY CHAIRMAN.

Ang mga ito ay lumabag sa joint circular no. 2 series of 2026 ng CSC at ng COMMISSION ON ELECTION (COMELEC) na promulgado noong March 29, 2016.., na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga empleyado ng pamahalaan tuwing halalan kahit na sila ay permanent, temporary, contractual o casual.



Magugunita na nitong October 20, 2023 ay nagpalabas ng babala ang CSC sa lahat ng mga GOVERNMENT WORKERS na hindi maaaring makilahok ang mga ito sa pangangampanya ng sinumang kandidato at dapat mamalaging non-partisan ang mga ito.

“The Commission acknowledges civil servants shared desire to contribute to improved public service delivery through electoral participation. However we must remain mindful not to engage in electioneering or partisan activities during this period. This precautionary measure underscores our commitment to maintaining the integrity and neutrality of the public service,” saad ni CSC CHAIRPERSON KARLO NOGRALES.

Ang prohibition ay nasasaklaw ang members ng civil service, permanente man, temporary, contractual o casual na empleyado sa lahat ng sangay, subdivisions, instrumentalities at mga agency sa Philippine government; career officers holding political offices acting man o officer-in-charge capacity; at uniformed and active members ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Natoonal Police.., na maging ang mga empleyadong nakabakasyon ay sakop pa rin ang mga ito sa panuntunang bawal ang pakikilahok sa PARTISAN at ELECTIONEERING.

Nitong nagdaang araw ay naghain ng DISQUALIFICATION CASE sa COMELEC, INTRAMUROS, MANILA si MIRANDA laban kina ALFREDO ROXAS na re-electionist sa pagiging BARANGAY CHAIRMAN, PERLA ADEA, ARNEL GABITO, BUTCH RISALES, AKEX RIVERA at JIM MAHUSAY dahil sa paggamit ng mga empleyado ng BARANGAY para makatulong sa kampanyahan ngayong eleksiyon.

Ipinunto ng nagsampa ng reklamo sa COMELEC na ilang beses nila umanong nakita ang mga tauhan ng barangay na nagkakabit ng mga TARPAULIN ng mga TEAM ni ROXAS.., at maging ang service vehicle din daw ng barangay ay kanila ring ginagamit sa pag-iikot para mangampanya.



Naniniwala si MIRANDA na napapanahon na umano upang maputol ang mga nagsasamantala na gamit ang resources ng barangay lalo na ngayong panahon ng election ng BSKE!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig