Advertisers

Advertisers

Nasa botante ang pagbabago

0 9

Advertisers

HULING araw na ngayong Sabado ng sampung araw na kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Base sa mga impormasyong nakarating sa akin, matindi na ang gapangan at bilihan ng boto sa mga probinsiya. May namimigay ng P300 hanggang P500! Napakasama nito!

Bakit pa kailangan mamili ng boto ng isang kandidato kung ang habol lang sa pagtakbo ay magserbisyo sa barangay? Bakit pa kailangan gumastos ng pagkalaki-laki, para ano?



Ang kandidato na gumagastos ng malaki sa pamimili ng boto ay may ibang plano para pamunuan ang barangay. Kung ano man ‘yon, tiyak hindi makabubuti para sa komunidad.

Pero ang lahat nang ito ay nakasalalay sa mga kamay ng botante. Oo! Hindi dapat magpabulag ang botante sa maliit na halaga, na ikadurusa ng barangay sa maraming taon.

Kaya kung may bugok mang kandidato na nanalo dahil sa pamimili ng boto, ang may kasalanan ay botante, ‘di ang kandidato. Mismo!

Ang isang kandidato na may masamang balak sa pagtakbo, gagastos ‘yan ng malaki para makapuwesto. Huwag hayaang mangyari ito, ibasura ang mga kandidato na may mantsa ang ang pagkatao. Mismo!

Sa barangay, lalo sa mga probinsiya, ang lahat ng tao ay halos magkakilala. Mula pagkabata hanggang sa pag-mature ay magkakasama, alam ang karakas ng bawat isa. Kaya hindi dapat magkamali sa paglalal ng lider ng barangay, piliin ang may dangal at marangal para sa maayos na pamayanan. Let’s do it, mga ka-barangay. Nasa inyong mga kamay ang pagbabago



***

May isang reelectionist na kapitan na napakahirap matagpuan sa barangay dahil nakababad sa kanyang manukan lalo pag araw ng sabong sa iba’t ibang bayan.

Ang ganitong opisyal ng barangay ay hindi na dapat ibalik sa puwesto, maghalal ng kandidato na ang puso ay magserbisyo sa barangay ‘di sa sabungan.

Sipain ang kapitang sabungero sa Oktubre 31.

***

Sabi ng Comission on Election (Comelec), ang mga kandidato na mananalo sa Lunes ay kaagad uupong opisyal ng barangay, base sa Supreme Court ruling sa constitutionality ng Republic Act No. 11935, ang batas na nagpo-postpone sa Dec. 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE), kungsaan nakasaad na ang mga kasalukuyang nakaupong opisyal sa barangay at SK ay magpapatuloy sa kanilang pag-upo hanggang sa mahalal na ang mga papalit sa kanila.

Kaya yung matatalong reelectionist, huwag na kayo magpakita sa barangay after ng bilangan. Hehehe…

Goodluck, candidates!