Advertisers
NASA P1,783,600 milyong halaga ng hybrid marijuana (Kush) mula sa anim na abandonadong parcel ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEXC) sa Domestic Road, Pasay City.
Unang naharang ang tatlong parcel na padala ng isang Sam Mendez ng 605 S Walnut St. Anaheim, California. Naka-consign ito sa tatlong tao na sina Andy Garcia, Andrew Marasigan ng Dasmarinas City, Cavite; at Angelo Villanueva ng Biñan, Laguna, na parehong nakalagay ang tig-isang plastic pouch na naglalaman ng dalawang 199 grams at isang 166 grams na Kush.
Ang sumunod na 2 parcel na padala ni Jose Ramirez ng 7729 Cody Drive Stanton, California ay naka-consign kay Andy Garcia ng Imus, Cavite at Josephine Rosales Castro ng Dasmariñas, Cavite, na nakalagay ang tig-isang plastic na naglalaman din ng parehong tig-199 grams na Kush.
Ang pang-anim na parcel ay padala ni Jessica Lopez ng Stockton, California na naka-consign kay Audrey Lopez, nakalagay sa plastic pouch labeled FoodSaver na naglalaman ng 511 grams na droga.
Kabilang din sa nakumpiska ng BOC ang 638 ecstacy tablets na nagkakahalaga ng P1,084,600 at 3.64 gramo ng cocaine na may street value P19,292.00.
Ang assorted colored ecstacy tablets at powder ecstacy ay nakalagay sa anim na abandonadong parcels sa CMEC na padala ng iba-ibang shipper mula sa Netherlands.
Pormal nang naiturn-over ang illegal drugs sa NAIA PDEA-IADITG para sa tamang disposition.