Advertisers
KAHIT tunog banyaga ang pangalan, noong hirangin ni PBBM si dating PBA player Richard Bachmann bilang Philippine Sports Commisdion chairman,unang impresyon ng korner na ito noong pormal siyang magpakilala sa media..
Bachmann is da man!
Sa sapantaha ng Uppercut,chair Dickie will work closely to his partner sa iisang layunin para sa kabutihan ng sports.
Dumaan ang mga araw,buwan at magtataon na,ang lapit lsng ni chairman pero ang layo at can not be reach di lang ng grupong media kundi maging ng ibang konsernado sa sports.
Hindi siya makakausap ng walang appointment na aprubado ng magagaling niyang kaliwa’t- kanang kamay sa fourth floor.
Kung didirekta ka ay imposibleng makapanayam ang appointed na lingkod bayan sa larangan ng palakasan.
Kung dadaan naman sa PCO,di makakarating ang pakay o dedma lang.
Dumaan ang Cambodia SEAGames,
itinuring nang matagumpay ito para sa Pilipinas dahil na rin sa magagandang piyesa na nababasa gawa ng mga batikang sports media.
Natuwa ang Pangulo,pinuri ang nombrado niyang sports leader.
Si chairman ,’la man lang katagang tenkyu sa grupong midya maliban sa iilan.
Nabunutan ng tinik at stress nang akala ay mabobokya ang Team Philippines dahil nanganganib ang kantang puwesto pag nagkataon.
Naisalba siya nang maka-ginto si pole vaulter EJ Obiena ng athletics.
Nasundan ito ng di inaasahang golds sa jiujitsu nina Meg Ochoa at Annie Ramirez at pinagningning ito ng basketball gold ng Gilas Pilipinas.
Dahil sa magagandang reports ng sports media ay isa nang tagumpay ang 4 na gintong naiuwi kumpara sa higit 200 ginto ng host china at 3 digits mula ibang sports power sa Asia.
Nakahinga si chairman.Pinuri uli siya ng Malacañang at nasundan pa ito ng tagumpay sa Para Games dahil mula sa 12th,9th placer na ang ‘Pinas eh.
Ganda ng storya dahil personal na naroon si chairman para daw inspired ang mga bayani nating lumalaban para sa bayan.
Sa totoo lang,ang SEAG,Asiad, Olympics ay POC ang may timon habang ang Para games sariling show.
Tulong pinansyal lng ang PSC o ayuda.
Sayang ang pera ni Juan sa biyaheng pulutong pa ang gagastusan.
Ito ay di pamemersonal, ang Rizal Memorial ay para sa mamamayan kaya ang mga nariyan ay boarders lang.
Ang 6 years ay sadyang mahaba sa pinunong hindi kaiga-igaya at maikli sa isang mahusay na lider.
No man is an island…may pagkakataon pang magbago ng pagtimon para you are really the man…
Mr.Chairman..
ABANGAN!