Advertisers

Advertisers

Dimples magpapasigla sa mga bagong portion ng ‘Gud Morning Kapatid’

0 17

Advertisers

Ni NOEL ASINAS

LALONG pinasaya ang Gud Morning Kapatid ngayong October sa pagpasok ng new Kapatid, ang award-winning actress na si DimplesRomana, na dala ang “pulang maleta” na maghahatid ng new knowledge of information via May Bahay portion.
Kasama ring hosts ng show ang veteran news anchorwoman na si Chiqui Roa Puno, Jes Delos Santos, Maoui David at Justine Quirino.
Ani Dimples: “Malaking challenge at pagpapalawak ng kaalaman ko ang pagho-hosting. Masaya ako na nagampanang mabuti ang pagiging isa sa mga host ng Gud Morning Kapatid.”
Sa pagpasok ni Dimples sa show, idinagdag simula ngayong October 2023, ang May Bahay portion. Tatalakayin dito ang practical tips sa pagpapaganda ng bahay na sakto sa budget. May Parenting Tips din si Dimples na magbibigay payo sa mga magulang.
Samantala, si Maoui ay masayang nakapasa sa audition para maging host ng Gud Morning Kapatid. Kapanahunan siya sa ABS-CBN noon ni Glaiza de Castro. Ngayo’y host na rin sa TV.
Magbibigay energy sa show ang single at available na si Justine. Super busy rin siya as live streamer sa Facebook at iba pang social media. Hindi nawawalan ng energy sa pag-host.
Aminado si Chiqui na eldest siya as host ng show. Kalasag niya ang long experience sa field of broadcasting.
Si Jes naman ang magdadala ng bagong mga balita sa umaga sa show. Very energetic din sa hosting kaya popular sa viewers ngayon.
Kaya tutok lang sa Gud Morning Kapatid tuwing 9am, Monday to Friday.