Advertisers

Advertisers

Its Barangay and SK elections day

0 9

Advertisers

ITO na ang araw, Oktubre 30, na itinakda ng Korte Suprema para bigyan ng kapangyarihan ang mamamayan na maghalal ng bagong opisyal ng kanilang barangay at ng sangguniang kabataan.

2018 pa huling nagkaroon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE), gawa narin ng kalokohan ng Kongreso na pagkansela sa halalan dahil sa mga rason na walang kabagay-bagay tulad ng para raw “maghilom ang sugat ng nakaraang national election”, at “walang pondo”, na kung tutuusin ay mas magastos ang pag-reset sa BSKE.

Pero tinuldukan na ng Korte Suprema ang kaululang ito ng Kongreso, sinabing iligal ang pagkansela sa BSKE. Itinakda ang eleksyon ngayong Lunes.



Oo! Para mapadali ang pagboto, mga pare’t mare, gumawa ng listahan ng mga iboboto bago magsadya sa eskuelahan.

Ang mga edad 18 pataas ay boboto sa SK at sa Barangay.

Ang mga edad 15 hanggang 17 ay SK lamang ang iboboto.

Kailangan magdala ng national o school ID para matukoy ng election officers kung anong balota ang ibibigay sa inyo.

Ang mga mananalong kandidato ay uupo agad kinabukasan, ayon sa ruling ng Korte Suprema.



Dahil barangay election ito, ang lahat ng kandidato ay siguradong kilalang kilala n’yo ang pagkatao sa simula pa. Alam n’yo na kung sino sa kanila ang utak kriminal, walang ginawa buong araw kundi maglasing, magulo ang pamilya, tamad, adik sa iligal na droga, mandurugas, sugarol at mabisyo. Nasa inyo na kung iboboto nyo ang mga ganitong klase ng kandidato.

Ang eleksyon sa barangay ay mahalaga, sa mahahalal na lider at mga kagawad nakasalalay ang pag-unlad ng isang barangay. Kaya dapat maghalal ng kandidato na mapagkakatiwalaan, may vision, kayang dalhin ang boses ng barangay sa mga programa ng municipal/ city, provincial lalo na sa nasyunal.

Kaya mga ka-barangay, nasa inyong mga kamay nakasalalay ang pag-unlad ng barangay. Maghalal ng maayos na kandidato. Mismo!

Sa Sangguniang Kabataan (SK), ang sinasabing pundasyon ng magiging matinong mga politiko pagdating ng araw, maghalal ng SK Chairman at Kagawad na kayang hikayatin ang mga kabataan sa mabuting daan, hindi puros barkada at sports lamang.

Ang SK leader ay dapat may mission at vision sa kanyang kanyang mga kapwa kabataan. Kayang hikayatin ang out of school youth na mag-aral kahit sa technical courses at lumayo sa bisyong ikasisira lang ng kanilang kinabukasan.

Higit sa lahat, ang SK leader ay dapat may kakayahang dalhin ang boses ng kabataan hanggang sa programang national. Yes! Itaas pa ang antas ng SK. Mabuhay!!!